Harden, bida sa triple double, Rockets, tinusta ang Sixers
- MC
- Jan 5, 2020
- 1 min read

Nagtala si James Harden ng 40-point triple-double habang pinantayan ni Clint Capela ang tikas ng talented stars ng Houston Rockets tungo sa 118-108 victory kontra sa Philadelphia 76ers sa NBA game kahapon sa Houston. Pumoste si Harden ng 44 points, 11 rebounds, 11 assists at siya ang malinaw na bumitbit sa Rockets kapag pumapalpak ang katropa.
Humalibas si Capela ng 30 points at 14 rebounds upang silatin si 76ers center Joel Embiid (20 points, 12 boards) na naihatid ang Philadelphia sa ikaapat na sunod na pagkatalo mula noong Christmas Day nang talunin naman ng Eastern Conference-leading Milwaukee Bucks. Walang awat ang husay ni Harden sa kabuuan ng laro, tumapos na may 12-for-12 sa free-throw line.
Samantala, sa iba pang laban, si reserve guard Terrence Ross ang inasahan para sa game-high 25 points — kabilang na ang 6 sa 10 tangkang tres puntos upang pangunahan ang host Orlando Magic sa 105-85 na panalo kontra Miami Heat.
Bumasket si Nikola Vucevic ng 20 points, 11 rebounds at seven assists para sa Orlando, na umibayo sa 9-4 laban sa karibal mula 2016-2017 season. May kinamadang 16 puntos ang Magic at 8 rebounds mula kay forward Aaron Gordon at 15 points mula kay guard Evan Fournier. Hindi nakalaro si Gordon sa Orlando ng 2 games dahil sa foot injury.
Pinamunuan ang Miami ni shooting guard Jimmy Butler na may 23 puntos, 10 rebounds at 7 assists. Nakagawa siya ng 7 sa tangkang 12 shots. Dumagdag si Heat center Bam Adebayo ng 14 points at 10 rebounds. Ang Heat, na hawak ang best home record sa NBA na 16-1, ay lumagpak sa 9-9 kartada sa pagdayo ng laro.





Comments