T’wolves at Mavericks, giniba ang GSW at Nets

Kapwa umiskor sina Shabazz at Robert Covington ng tig-20 puntos upang matulungan ang Timberwolves na lapain ang Golden State Warriors, 99-84 kahapon sa laban na pawang injured ang karamihan sa players ng bawat team.
Nakabasket si Napier ng 20 at higit para sa ikatlong sunod na laro. Ang huli niyang nagawa ay noong Dis. 23-30, 2017 para sa Portland. Mayroon din siyang 7 assists. Nagwagi ang T’wolves sa ikalawang pagkakataon sa tatlong laro. Ang parehong panalo ay nangyari kahit wala sina Karl-Anthony at Andraw Wiggins.
‘’I have always been an aggressive guard, but it makes everything else easier,’’ saad ni Napier. ‘’I have been trying to get other guys involved, and I have been very fortunate to make great passes and have other guys make shots.’’
Dumagdag si Naz Reid ng 13 points, may 12 si Kelan Martin kaya napigilan ng Minnesota ang Golden State na makaalagwa ng iskor ngayong season.
‘’We’ve navigated through some injuries, some illness, been some personal circumstances that were unforeseen and in a lot of cases, we’ve had guys step up,’’ sabi ni Minnesota coach Ryan Saunders.
Nasayang ang ibinakas ni Glen Robinson III ng 16 points para sa Warriors, may 13 si Eric Paschall. Natalo sila sa tatlong straight matapos ang four-game win streak mula noong Dis. 20-27. ‘’It was disappointing, because we’ve had a good stretch of basketball,’’ saad ni Golden State coach Steve Kerr. ‘’The last few weeks we’ve played very well. So this feels like the exception rather than the rule. But we’ve got to prove that’s the case on Saturday.’’
Naglaro ang Golden State nang wala si D’Angelo Russell, kasama ang matagal nang absent na stars na sina Stephen Curry at Klay Thompson.
Samantala sa iba pang laban, may kabuuang 31 puntos si Luka Doncic, 13 rebounds at 7 assists nang pahigpitin ng Dallas Mavericks ang laban at gupuin ang bisitang Brooklyn Nets 123-111.
Binuksan ng Mavericks ang pinakamahabang panalo sa sariling balwarte ngayong season mula sa tikas ni Doncic na muntik sumablay sa kanyang ika-10 triple double ngayong season at ika-18 sa kanyang career.
Umiskor siya ng 15 sa 4th quarter nang bumanat ng tatlong 3 puntos, magkasunod na layups at dalawang free throws. Tumirada si Doncic ng 9 sa 18 niyang tangka, limang tres upang bitbitin ang Mavs sa 15-7 run sa final 6:45 minuto.
Naiwasan ng Mavericks ang unang three-game losing streak ng season kung saan hindi nakalaro sina Kristaps Porzingis (maga ang kanang tuhod) at Tim Hardaway Jr (masakit ang kaliwang braso) para sa second straight games.





Comments