top of page

Pati career, napabayaan sa sobrang inlab… Nadine, talong-talo sa pagpapakamartir kay James, naghiwa

  • Erlinda Rapadas
  • Jan 4, 2020
  • 1 min read

Hindi pa man umaamin si Nadine Lustre sa hiwalayan nila ng BF na si James Reid, malinaw na ang mga balita ay totoo at hindi fake news. Senyales na ang pag-alis niya sa bahay ni James kung saan sila dati nagli-live-in at ang hindi na pagpo-post ni Nadine ng larawan nila ng nobyo sa social media nitong nakaraang Pasko at Bagong Taon.

Noong unang taon pa lang ng relasyong Nadine at James at kainitan ng tambalang JaDine, marami na ang nagsasabing hindi sila magtatagal at mauuwi rin sa paghihiwalay.

Iba ang timpla ng pagkatao ni James. May mood swings ito na hindi maintindihan, may pagka-bossy at demanding. Hindi nga siya tumagal sa Viva dahil ayaw niyang magpadisiplina. Sarili lang niyang desisyon ang sinusunod niya. Feeling super-sikat at big star na siya at makaka-survive kahit wala sa Viva Management.

Wala ring ka-PR-PR sa entertainment press. Papaano siya ibi-build-up nang husto as a solo artist?

Si Nadine ang talung-talo sa pakikipagrelasyon niya kay James. Namuhunan siya ng emosyon at panahon nang mahalin niya ito. Nagpakamartir siya at pati career ay napabayaan na. Mas makabubuti sa kanya kung hihiwalay muna siya kay James.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page