top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Lubog sa utang dahil hindi akma sa birthday ang negosyo, susuwertihin kung magta-try ng iba

  • Maestro Honorio Ong
  • Jan 4, 2020
  • 2 min read

Maestro Honorio Ong

Katanungan

1. Tindahan ng mga sandals at damit ang negosyo namin sa isang mataong lugar sa bayan sa Nueva Ecija. Noong una ay malakas at maganda ang aming benta, pero noong 2018 hanggang 2019, unti-unti na itong humina hanggang sa nalubog na kami sa mga pagkakautang. Sabi ng mister ko, magbago na kami ng negosyo kaysa lalo lang kaming malubog sa utang.

2. Ang problema ay hindi ko alam kung anong negosyo ang angkop sa aming mag-asawa. Nasanay na kasi ako sa negosyong ito at minana ko pa ito sa mga magulang ko. Iniisip ko na baka maka-recover din kami, ano sa palagay n’yo, Maestro?

3. Mapilit ang mister ko, kung ayaw ko raw magbago ng produkto, kahit siya na lang daw mag-isa ay magsisimula ng sariling negosyo. Ayaw ko naman ng ganu’n kasi nasanay ako na palagi kaming magkasama sa tindahan. Anong negosyo ang angkop sa amin upang mabayaran na namin ang aming mga pagkakautang at muli kaming umasenso?

Kasagutan

1. Alam mo, ang mga produkto o kahit anong uri ng negosyo ay may binabagayan din ‘yan, depende sa birth date at zodiac sign. Una, pansining kapwa kayo isinilang sa zodiac sign na Capricorn kaya kung nagkataong mataba kayong mag-asawa at may bilugang hugis ng mukha, angkop sa inyo ang mga produktong butil at agricultural products habang ang kasalukuyan mong negosyo ay hindi para sa iyo dahil ‘yan ay para sa mga Libra o naiimpluwensiyahan ng planetang Venus dahil ang inyong kalakal ay gamit sa pagpapaganda ng katawan at iba pang beauty products.

2. Dahil dito, tumpak ang suggestion ng mister mo na magbago ng negosyo at magpalit ng produkto bago tuluyang lumubog sa pagkalugi at pagkakautang.

3. Ang pag-aanalisang saglit lang papangit ang kabuhayan at makare-recover ay madali namang kinumpirma ng huminto muna, pero nagpatuloy din sa pagguhit sa bago niyang direksiyon ang Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow a,) na tinatawag ding Career Line sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na pagkatapos mong iwanan ang dati mong negosyo upang palitan ng bagong kalakal, sa ikalawang pagtatangka na muling magnegosyo at sa bagong produkto na angkop sa zodiac sign n’yong Capricorn, tuluy-tuloy nang uunlad ang inyong kabuhayan. Dapat Gawin

Ang nasabing muling pag-recover ng kabuhayan, ayon sa iyong mga datos ay nakatakdang mangyari sa kalagitnaan ng 2027 sa edad mong 55 pataas at 58 naman ang mister mo kung saan sa panahong nabanggit, unti-unti kayong makaaahon at makababayad sa pagkakautang hanggang sa manumbalik ang mas maunlad na kabuhayan (Drawing A. at B. H-H arrow c.).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page