top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Lambingan abroad, idinispley sa IG.. Pia, rugby player-businessman na taga-Scotland ang ipinalit kay

  • Beth Gelena
  • Jan 4, 2020
  • 2 min read

Beth Gelena / Bulgary Files

Photo: @piawurtzbach (left)/ @jeremyjauncey (right)

Ayon sa mga netizens na naka-hook ng mga larawan ni Pia Wurtzbach kasama ang founder at chief executive ng Beautiful Destinations na si Jeremy Jauncey, ito raw ang bagong boyfriend ng former Miss Universe 2015.

Nag-date umano ang dalawa sa Indonesia kung saan pareho nilang ibinahagi ang kuha nilang larawan sa kani-kanilang social media account.

Sino nga ba si Jeremy? Siya ay ipinanganak sa Scotland at naging rugby player ng New Zealand. Mahilig mag-travel kaya nagtayo ng sariling kumpanya, ang Beautiful Destinations. Paborito niyang puntahan ang Pilipinas kung saan nagkaroon siya ng karelasyong Pinay, pero hiwalay na raw ang dalawa.

Sa Instagram na may user ID @uuanyee dated Nov. 2019, may post siya na kasama si Pia. Ang caption ng girl: “That time, Pia Wurtzbach flew to Hong Kong to hook up with Jeremy Jauncey.”

Pinatotohanan naman ng joint user ID na @jauncebach, “Pia and Jeremy in Hong Kong.”

Sunod na post ni uuanyee sa mismong socmed account niya, “Damn these two are hot and heavy!!! Happy New Year Pia and Jeremy.”

Ayon sa isang Leonora Santana, kasamang nag-celebrate ni Pia ng New Year ang latest BF niyang si Jeremy.

May ibinahagi ring larawan ang dalawang kilalang personalidad sa kanilang socmed kung saan nasa speedboat sila.

Ayon sa mga netizens, ang dali namang palitan ni Pia ang ex-boyfriend na si Marlon Stockinger.

May nagsasabi namang, “I think collab lang ‘yan. Kumbaga, guest nu’ng guy si gurl sa travel blogs niya.”

Ang iba ay may halong inggit sa kapalaran ngayon ni Pia. Anila, secured na ang future ng beauty queen-turned actress kay Jeremy, unlike raw sa ex niyang walang kasiguruhan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page