top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Ang batang nag-asawa, mister lasenggo pa… Coleen, nagsalita na sa pagsisisi raw sa pagpapakasal kay

Ronalyn Seminiano
Jan 4, 2020
2 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Nakapanayam ng press people si Coleen Garcia sa naganap na presscon ng Mia movie kahapon, January 3, kung saan naikuwento ng napakaganda at lalong gumagandang aktres ang tungkol sa alcohol problem ng kanyang asawang si Billy Crawford.

Kuwento ni Coleen, nakakaubos daw ng isang bote ng alak ang kanyang mister pero natutuwa siya na nagbago na ito.

Sey pa ng aktres, ibang-iba na raw si Billy. “He’s cool with his temper and everything, and very reasonable to talk to.

Level-headed na, hindi na siya ‘yung nag-a-outburst kagaya ng dati.”

Sabi rin ni Coleen, bago pa man sila ikasal ay huminto na si Billy sa pag-inom ng alak at natutuwa rin siyang maging ang paninigarilyo ay tinalikuran na rin ng kanyang mister.

Aniya, “Kasi even yosi, nag-stop na siya ng six years or almost six years ago. Even ‘yun, ang hirap-hirap nu’n.

“Pero nandu’n ‘yung determination niya, and he really worked hard at it.

“Talagang ‘pag nag-no na siya… ‘I’m not gonna do this again,’ hindi na talaga siya bumalik.”

Matatandaan din na may kumalat na pagsagot ni Billy sa isang netizen matapos nitong sabihin na parang hindi na masaya si Coleen sa buhay may-asawa.

Sey ng netizen, “Hindi na ba HAPPY si Coleen as Mrs. Crawford? ‘Yan kasi, ang bata pa nagpakasal, talagang hahanapin ang dating nakasanayan...

“Nawala na ‘yung masayahing mukha at awra ni Coleen na dati ay puno ng kasiyahan, kaligayahan lang. At GV ang mukha ni COLEEN.”

Sagot ni Billy, “Mas marunong ka pa sa Panginoon, ah. Ever heard anyone say don’t stick your nose into someone else’s business? You don’t live with us so you definitely wouldn’t know. Tis’ the season to be jolly fa la la la la la la la la...”

Nagsalita rin si Coleen sa isyu na ‘to. Aniya, “Actually, I really feel that I’m at my happiest right now.”

Pabor din siya sa ginawang pagpatol ni Billy sa netizen.

“We don’t want people to believe that naman, to people to go on talking like they believe it kung hindi naman talaga totoo. I mean, if it’s just really easy to dispel a rumor just like that, then…

“Tama rin lang naman i-answer para malaman din kung totoo o hindi.” Samantala, si Veronica Velasco ang direktor ng Mia na ipapalabas na mula sa Enero 15. Makakasama ni Coleen sa nasabing movie si Edgar Allan Guzman.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page