top of page
Alex Eala at Sandro Marcos - FB.jpg

Soltones, Malabanan at Perez kinuha ng PetroGazz sa PVL

  • Gerard Arce
  • Jan 3, 2020
  • 1 min read

Inanunsiyo ng Premier Volleyball League Open Conference runner-up PetroGazz Angels ang pagkuha nila sa tatlong batikang volleyballista ng bansa bilang pagpapatibay sa koponan nito sa darating na 2020 season.

Muling nagbabalik sa PVL team sina dating NCAA Most Valuable Player Grethchel Soltones ng San Sebastian, Jerrili Malabanan ng FEU Tamaraws at first-timer Ivy Perez ng National University.

Galing sa ibang liga sina Soltones, Malabanan at Perez na mapapabilang sa roster ng Angels ayon na rin sa paglalahad sa official Facebook page ng koponan.

Parehong mga power-hitters sina Soltones at Malabanan na hindi na bago sa liga sa PVL matapos silang sumabak noon sa Bali Pure noong 2017 at Pay Maya noong 2018, habang ang setter na si Perez ay nagpakita ng galing sa Philippine Super Liga sa koponan ng Foton.

Malaki ang maaaring maiambag ng tatlong manlalaro sa Arnold Laniog-team na nag-aasam na makamit muli ang kampeonato matapos walisin ng Creamline Cool Smashers sa nakaraang komperensiya.

Makakasama nila sa Angels ang solidong tandem nina Cherry Nunag at Jeanette Panaga at wingers na sina Jovielyn Prado at Jonah Sabete gayundin ang prized libero na si Cienne Cruz at Paneng Mercado.

Ang 5-foot-8 na 24-anyos na si Perez ay malaki ang maiaambag na veteran leadership dahil na rin sa matinding karanasan nito sa kampeonato sa Foton, maging ang pagkakapanalo nito ng ilang titulo noong 2015 at 2016 sa PSL.

Huling nakamit ng Angels ang kampeonato noong isang taon nang silatin ang Cool Smashers mula sa mga imports na sina Wilma Salas at Janisa Johnson sa Reiforced Conference.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page