Probinsiyano vs. I Love Jane sa GRM

Bago ang lahat binabati ko ang mahal na mambabasa ng BULGAR sa pagpasok ng taon 2020 at sana suwertehin kayo ngayon taon.
Patuloy na pagtikada ng Additional One Win in Group Races at maghaharap sa Condition Race, Group Race, Group Race Merged at 3 Year Old & Above Maiden Race sa Santa Ana Racing Park, Naic, Cavite.
Magaganap din ang dalawang Winner Take All at Pick 5 kasabay ng Pick 6 at Pick 4. Sa simula ng 1st Winner Take All (WTA) sa Race 1 ipinapatok ang Genie Hello at makakalaban ang Love Affair at Chocolate Thunder.
Sa Race 2, magkakalaban ang Pilya, Olympic Gold, Big Big Brown, Good Boss at Apo ni Maria na simula ng 1st Pick 5. Sa Race 3, magaganap ang 2nd WTA nakalalamang ang Probinsiyano habang makakalaban ng I Love Jane at El Mundo.
Sa Race 4, umpisa ng Pick 6, magkakalaban ang Zapima, Biglang Buhos at Heat Resistant. Sa Race 5, magaganap ang 2nd Pick 5 at ipinapatok ang Isla de Zap, habang ang Artikulo Uno, Hello Gorgeous at Silver Wedding ay maglalaban sa paratingan ng Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six.
Sa Race 6, kasabay ng Pick 4 nakalalamang ang Tidal Wave habang ang Princess Tin ang makakalaban sa unahan. Sa Race 7 magkakalaban ang Bottoms Up, Missus Field at Stone Ladder sa paratingan sa WTA.
Nakalalamang ang Stella Malone habang ang Morning Breeze at Wannabe ang makakalaban sa Race 8.
Sa Race 9, nakalalamang ang Kungfu habang makakalaban ang Tikain Kamo na magiging paratingan 2nd WTA, Pick 6, 5 at Pick 4.





Comments