Part 2: Ang year 2020 para sa MMA fighters na nabigo at nagtagumpay

Bilang kapalit ni Askren sa UFC, naging sunod-sunod ang mga panalo ni dating UFC flyweight champion at may hawak ng consecutive title defenses na 11 sa kanyang kategorya, ipinamalas ni Demetrious “The Mighty Mouse” Johnson na siya pa rin ang hari ng naturang dibisyon. Sa ika-100th palabas ng ONE Championship ay kinuha ni Johnson ang ONE Flyweight Grand Prix laban kay Team Lakay fighter Danny “King” Kingad sa Tokyo, Japan. Naging matagumpay ang 2019 kay Johnson sa panalo upang mabigyan ng pagkakataon na makatapat si ONE Flyweight champ Adiano Moraes.
Ang taong ito rin ang nagsilang sa pangalan ni Israel “The Last Stylebender” Adesanya sa larangan ng middleweight division. Una nitong tinalo si heavy-hitter Kelvin Gastelum sa UFC 236 para sa unanimous decision victory. Nabigyan ito ng pagkakataon para makatapat ang kapwa Oceanic-fighter at undisputed champ na si Robert Whitaker. Pinabagsak si Whittaker sa 3:33 ng 2nd round upang bumango ang pangalan ng Nigerian-Born Kiwi Fighter Middleweight champ. Naididikit din ang pangalan kay Jones na may halos pagkakahawig ang haba at stance nila.
Naging kontrobersiyal ang dating UFC, Strikeforce at Invicta featherweight champion na si Cris Cyborg nang humiwalay nang tuluyan sa UFC dahil sa hindi na magandang pagkakasunduan nila ni UFC president Dana White.
Lumipat ng Bellator si Cyborg matapos ang batuhan ng putik nila ni White kasunod ng pagkatalo kay Amanda Nunes at hindi muling pagtanggap ng rematch nito. Naging tensyonado sa pagitan ng dating kampeon at presidente dahil sa mga maiinit na pagtatalo ng dalawang panig. Lalaban ulit si Cyborg ngayong 2020 kay Ballator featherweight champion Julia Budd.
Dalawang retirement din ang inanunsiyo ngayong taon, una ang kay dating UFC champ at kontrobersyal na si Conor McGregor na nagretiro noong Marso. Ngunit, hindi tinantanan ng kontrobersiya ang dating featherweight at lightweight titlist nang mapa-ulat na nanuntok ito sa isang Pub o Bar matapos tumangging tumagay. Nagkaroon din ito ng dalawang sexual assault sa ulat ng New York Times. Gayunman, napipinto ang pagbabalik nito ngayong Enero, 2020 sa pakikipagharap nito kay Cowboy Donald Cerrone.
Tuluyan nang nagretiro sa UFC ang itinuturing na “Greatest Of All Time” ng welterweight division na si Georges “Rush” St-Pierre nitong Pebrero sa pag-anunsiyo niya mula Montreal, Canada.
Siyam na beses idinepensa ni St-Pierre ang 170-lb title at tabla kay Michael Bisping sa 2nd-most wins sa kasaysayan ng UFC (20). Nakakuha ng 2-title sa 2 division na welterweight at middleweight.





Comments