JaDine fans, nabulabog… Nadine, lumayas na sa bahay ni James
- Julie Bonifacio
- Jan 3, 2020
- 2 min read

Pagpasok ng 2020 ay nag-trending agad ang banner story namin dito sa BULGAR tungkol sa hiwalayan at ‘magpapakamatay ako’ isyu ng reel-and-real love team na sina James Reid at Nadine Lustre.
Marami ang pumik-up sa social media at pati na Instagram account nina Nadine at James ay nabulahaw para kumpirmahin ang status ng relasyon nila.
But as of this writing, wala pang official statement either sa kampo ni James or from Nadine’s side. Pero may balitang nag-alsa-balutan na si Nadine sa bahay nila ni James. ‘Di naman lingid sa marami ang pag-amin ng dalawa noon na magka-live-in na sila.
Sa kabila ng hiwalayan isyu, lumitaw naman in public si James as one of the performers sa New Year’s Eve Countdown sa Eastwood City. Hindi lang namin sure kung nagpainterbyu si James sa mga taga-ABS-CBN na nag-cover ng event.
Sa paghihiwalay ng JaDine love team, ano na kaya ang aasahan ng kanilang mga fans sa 2020?
Si James, may bagong serye sa Dos ka-partner ang isang Koreana from a popular all-female group. Hmmm… ‘di kaya ito ang isa sa mga dahilan ng away nila ni Nadine?
Anyway, kung ‘di pa umaalis si Nadine sa pangangalaga ng Viva, may chance na umalagwa ang career niya as a solo artist. Hindi ba’t ganyan ang nangyayari sa mga love teams? Ang babae talaga ang nagpapatuloy at umaangat ang career kapag nag-solo na, ‘di ba? If that’s true, paano na si James?
Sana lang, ma-handle nang mabuti ng daddy ni James at bago nilang talent management ang career niya. Bukod sa akting, nakakakanta at nakakapag-compose naman siya ng mga songs. Kaya baka maiba ang kuwento ng mga nagkakahiwalay na love teams sa showbiz this time. Iba na rin kasi ang panahon at klase ng mga fans ngayon.





Comments