Iniwan ng mister dahil sa kabit, babalikan din dahil compatible ang zodiac sign at birthday
- Maestro Honorio Ong
- Jan 3, 2020
- 1 min read
Dear Maestro, Nagkahiwalay kami ng mister ko dahil nambabae siya. May isang buwan na siyang hindi umuuwi sa bahay at naiwan sa aking pangangalaga ang tatlo naming anak na dalawang lalaki at isang babae. Itatanong ko lang kung magkakabalikan pa ba kami? February 4, 1979 ang birthday ko at October 13, 1972 naman ang mister ko.
Umaasa, Ms. Aquarius ng San Salvador, Baras, Rizal
Dear Ms. Aquarius, Huwag kang mag-alala dahil ang zodiac sign mong Aquarius at Libra naman ang mister mo ay nagsasabing compatible kayo sa isa’t isa sapagkat ang Libra at Aquarius ay may iisang elementong tinataglay – ang air o hangin. Ibig sabihin, napakalaki ng tsansa na muli kayong magkakabalikan.
Habang sa pag-aanalisang pang-Numerology, ang birth date mong 4 at 13 (ang 13 ay 4 din, dahil 1+3=4) naman ang birth date ng mister mo ay tugma rin at kapwa kayo nagtataglay ng planetang Uranus na ang ibig sabihin ay pareho kayong mabait, mapagparaya at mapagbigay.
Lumalabas din na kaya nakisama pansamantala ang iyong mister sa kanyang kerida ay dahil pinagbibigyan lang niya ‘yun, ngunit, darating ang araw na wala rin siyang magagawa.
Ang mister mo ay magbabagong-buhay din at muling babalik sa tunay niyang pamilya na nakatakdang mangyari sa kasalukuyang taong 2020, (alalahaning ang 2020 ay may sumatutal ding 4, dahil 20+20=40/ 4+0=4 na sadyang napakasuwerte sa inyong pamilya) na tinatayang magaganap kung hindi sa Pebrero ay maaaring sa Abril, sa ika-41 kaarawan mo, tulad ng inaasahan at nakatakda na, muling mabubuo at magiging maligaya ang inyong pamilya.




Comments