top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Hindi na isinama ng mga friends sa year-end party dahil may attitude raw, masama ang loob

  • Roma Amor
  • Jan 3, 2020
  • 1 min read

Dear Roma, Ako si Chelle, 26. Bago mag-Pasko, nagkaroon kami ng misunderstanding ng mga kaibigan ko— kesyo ma-attitude raw ako at hindi marunong makisama. Hindi nila alam na may pinagdaraanan ako dahil they never bothered to listen to me, may kani-kanya silang gala nang hindi nila ako niyayaya. Recently, nagkaroon sila ng year-end party at mukhang happy naman sila kahit hindi na nila ako kasama. Tama kaya na ‘wag na akong humingi ng closure at hayaan na lang na mabuwag ang friendship namin kahit gustung-gusto kong masagot ‘yung mga tanong na nasa isipan ko? — Chelle

Chelle, Kung nararamdaman mo na hindi mo na kailangang ituloy ang iyong pakikipagkaibigan sa kanila, go lang. Pero kung sa tingin mo ay magiging panatag ang isipan mo kapag nasagot ang mga tanong mo, it’s a sign na kailangan mong mag-reach out sa kanila hindi para ipilit ang sarili mo sa grupo kundi para sa peace of mind mo. Mauunawaan ka rin nila. Kayang-kaya mo ‘yan. Good luck!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page