'Di ma-take ng fans, todo-palag na fake news lang… Nadine, naglabas ng ebidensiya sa kalat nang

Tila sagot sa breakup news nila ni James Reid ang larawang ipinost ni Nadine Lustre sa kanyang Instagram Story kahapon.
Sa larawan ay makikita ang aso nila ni James na si Cal na hinahaplos ng aktor. Bagama’t kamay lang ang nakita sa photo at hindi ipinakita ang aktor mismo, nakita naman ang manggas ng red long sleeves, ang kulay ng suot ng aktor sa dinaluhan nitong New Year Countdown noong Dec. 31.
Maging ang mga JaDine fans ay kumbinsido na si James ang nasa larawan at ito ang nagpakalma sa kanila’t nagbigay ng assurance na hindi totoo ang breakup article na lumabas sa PEP last Jan. 1.
Sa lumabas na artikulo ay nakasaad na umalis na si Nadine sa bahay nila ni James. As we all know ay matagal nang inamin ng dalawa na nagli-live-in sila. “Irreconcilable differences” diumano ang dahilan ng breakup, ayon pa sa artikulo.
Ipinunto rin na walang post na bagong larawan na magkasama ang JaDine nitong nakaraang holidays. At binanggit din ang sunud-sunod na cryptic posts ni Nadine sa IG account nito na tila nagpapahiwatig ng breakup, tulad ng “I can’t be who you want,” “No questions, just go with it” at “For good reason, lost all of my love.”
Umalma sa balita ang sandamakmak na JaDine fans at reklamo nila ay fake news daw ito. Nag-post sila ng mga larawan ng dalawa noong Christmas Day bilang patunay na magkasama ang idol nilang love team. At magkasama rin daw ang real-life couple noong Dec. 31 sa NYE Party.
May interview din kay James si MJ Felipe during the NYE Party kung saan ay tinanong nito kung paano sila magse-celebrate ni Nadine ng New Year at ang sagot ng aktor, “We’ll be all together later, celebrating and counting down over it in Rockwell, Makati.”
Dahil sa breakup news ay trending agad sa Twitter ang JaDine. May pa-hashtag din ang mga JaDine fans na #JaDinePaRinSa2020 at #JaDinePaDinFakeNewsPEP.
Wala pang opisyal na pahayag sina James at Nadine regarding the breakup, pero ikino-consider na ng mga fans na sagot na rin ng aktres ang IG Story nito kahapon kung saan nga ay makikitang hinahaplos ng pinaniniwalaan nilang si James ang alagang asong si Cal.





Comments