PHILRACOM at Maynila sanib-puwersa sa Boys Town
- Ding Taboy / MC
- Jan 2, 2020
- 1 min read

Palalawakin ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) at ng pamahalaan ng Maynila ang isang housing complex sa loob ng Boys Town property sa Marikina City katuwang ang Rotary Club of Manila Bay sa pamumuno ni PHILRACOM executive director Andrew Rovie Buencamino.
Ang Boys Town na pag-aari ng siyudad ng Maynila at ng Rotary Club of Manila Bay ay lumagda kamakailan ng isang memorandum of agreement upang atasan ang huli na isaayos ang naturang property. “We are grateful that private sector organizations heeded to our call for help,” ayon naman kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso para kay Rotary Club of Manila Bay president Buencamino.
Ang Boys Town ay isang non-profit orphanage para sa mga walang tahanan, inabandona at kinupkop na mga batang kalye, teenagers at mga matatanda sa buong Kamaynilaan.
Sa ilalim ng kasunduan, ang Maynila ang maglalaan ng 4,000 square meter property sa kahabaan ng Narra Blvd., upang magtayo ng limang housing units para sa matatanda.
Sinabi ni Buencamino na popondohan ng Rotary Club of Manila Bay ang proyekto sa halagang P12.5 million.
“We proposed a project to the City of Manila through our good Mayor for the improvement of Luwalhati na Maynila,” ayon sa Philracom official.





Comments