Para ma-achieve ang mala-glass skin na kutis ng mga artista.. Mga paraan sa pangangalaga ng mukha at
- Thea Janica Teh
- Jan 2, 2020
- 2 min read
It s a Bulgarific Lifestyle

2020 na pero hindi pa rin natin masolusyunan ang oily face at taghiyawat sa ating mga mukha? Mga besh, huwag nating simulan ang 2020 nang nagmamantika ang feslak kaya silawin natin ang Bagong Taon sa ating mala-”glass skin”! Paano?
Usung-uso ngayon ang mga skin care routine, ngunit minsan, sa dami ng produkto, hindi na natin alam kung nakabubuti ba ito sa atin, kung ano ba ang gamit nito at marami pang iba. Kaya naman, narito ang mga kailangan ng ating skin at kung anu-ano ang pakinabang na makukuha natin sa mga ito:
1.CLEANSING. Isa ka ba sa mga komyuter na mas matagal pa sa EDSA kaysa sa mismong trabaho at sa bahay? Tiyak na singkapal ng usok na ibinubuga ng tambutso ang nakukuha natin sa araw-araw na pagko-commute. Kaya naman, cleansing ang first step sa ating skin care routine para maalis lahat ng dungis at makahinga ang ating skin mula rito. Mainam na maghilamos ng maligamgam na tubig at gamitin ang best product na hiyang sa inyo. Paalala lang, pataas ang stroke sa paglinis ng feslak para no wrinkles!
2.TONING. Ito ang second step sa ating skin care routine kung saan ang natirang dumi sa ating mukha na hindi tinablan ng cleansing ay maaalis na rin. Ito rin ay nakatutulong para ma-balance ang ating Ph level, gayundin, ito ang nakapagpapa-clear ng ating skin para madaling ma-absorb at ma-rehydrate ang mga nutrient sa mga produktong ginagamit natin.
3.MOISTURIZING. Dalawa lang naman ang problema natin sa ating mukha, ang pagiging dry o oily. Alin lang sa dalawa, kaya mainam na gumamit ng moisturizer para ma-heal ang nanunuyot nating balat. Ito rin ang nagsisilbing mask ng ating mukha mula sa mga dumi, pero sabi ng iba, moisturizer ang nagiging dahilan ng kanilang pagka-oily skin. Sabi nga, depende pa rin ito sa produktong ginagamit, marahil ay hindi ito hiyang o akma sa inyong skin type. Mabuting magtanong tayo sa kaibigan o kapamilya na pareho ng skin type para malaman kung ano ang best product para sa ganitong mga sitwasyon.
4.SPF. Lastly, hindi makukumpleto ang ating skin care routine kung wala ang sunscreen. Para maprotektahan ang ating skin mula sa sikat ng araw at para hindi tayo umitim agad. Hindi lang tuwing magsu-swimming dapat maglagay ng sunscreen kundi everyday! Mainam na gumamit ng sunscreen na may SPF 30 para maprotektahan ang ating balat mula sa UVB ray. Halos 97% ng UVB ray ang naba-block nito, samantala, ang SPF 15 naman ay 93% at ang SPF 50 ay 98%. Amazing, ‘di ba?
Kaya mga besh, ugaliin natin ang skin care routine na ito para ma-achieve ang glass skin. Siguraduhin din munang aalamin ninyo kung kayo ba ay may allergy sa mga ito para maiwasan ang anumang impeksiyon. Mabuti rin na magpa-check-up at magtanong sa inyong dermatologist ng best product para sa inyong skin type.
Iwanan na natin ang lahat ng bad vibes at bad skin sa 2019 at salubungin ang 2020 na bright face at flawless skin!





Comments