Nahatulan ng habambuhay na pagkakabilanggo, 15 days lang puwedeng umapela
- Persida Acosta
- Jan 2, 2020
- 2 min read
Dear Chief Acosta, Napan ang kapatid ko ng life imprisonment noong Mayo 30, 2017 sa paglabag sa Section 5 ng Republic Act No. 9165 sa isang sangay ng RTC ng Iloilo City. Gusto sana naming iapela ang kanyang kaso. Puwede ba ‘yun? - Jona
Dear Jona, Nakasaad sa inyong sulat na napan ang iyong kapatid ng life imprisonment sa paglabag sa Section 5 ng Republic Act No. 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002” noong Mayo 30, 2017. Samakatwid, mahigit dalawang (2) taon na ang nakararaan mula nang siya ay mapan.
Ayon sa Section 6, Rule 122 ng Revised Rules of Criminal Procedure, ang pag-aapela ay dapat isagawa sa loob ng labinlimang (15) araw mula nang ipalabas ang hatol o mula nang matanggap ang desisyon na inaapela. Nakasaad sa nasabing alituntunin ang sumusunod na probisyon:
“Sec. 6. When appeal to be taken. – An appeal must be taken within fifteen (15) days from promulgation of the judgment or from notice of the final order appealed from. This period for perfecting an appeal shall be suspended from the time a motion for new trial or reconsideration is filed until notice of the order overruling the motion has been served upon the accused or his counsel at which time the balance of the period begins to run.” (Binigyang-diin)
Sa dahilang hindi kayo agad nakapag-apela sa loob ng labinlimang (15) araw, ang hatol sa inyo ng nabanggit ninyong sangay ng Regional Trial Court ay final and executory na at ito ay hindi na puwede pang iapela.
Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.
Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtitiwala.
Comentários