top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Mga bold star noon, pa-wholesome na raw ngayon… Sigaw ng netizens: Maui, Sunshine, Ara, etc., paghuh

Ronalyn Seminiano
Jan 2, 2020
1 min read

Ronalyn Seminiano / Showbiz Trends

Nag-post si Maui Taylor sa Ins­ta­gram ng series of photos niyang tila nag-eendorso ng salon.

Walang kakupas-kupas ang ganda ni Maui at sa nasabing larawan, may netizen pa ngang nagsabi ng… “You’re so pretty. You look like 18 years old.”

Samantala, hindi pinalagpas ni Maui ang komento ng isang netizen na… “Ang hot mo po. Kailan ka ulit gagawa ng porn??”

Sey ni Maui, “Porn was never the word for the mature roles we did before. Pls. take note of that!”

Pagtatanggol naman ng isang netizen kay Maui, “It’s not porn. Rated R movies lang ‘yun. Porn, iba na ‘yun..”

Pero may isa pang netizen na kinantiyawan si Maui. Aniya, “I-tag mo na silang lahat na mga bold star na pa-wholesome na. Hubad lang ang puhunan. Sunshine, Ara, etc..”

Nakakalungkot lang na may mga taong “porn” ang label sa previous roles ni Maui at kahit ano’ng gawin niya, tila nakadikit na ‘yun sa kanyang pangalan. Pero, sigu­rado namang once na mabigyan si Maui ng role na walang halong pagpapakita ng skin, magba­bago na ang image niya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page