Markadong 2019 sa asam na Tokyo Olympics part 2

Walang nakuhang panalo ang Gilas Pilipinas habang binandera ni naturalized player Andray Blatche sa Group D. Unang nakatapat ng Gilas ang Italy na na binanderahan nina NBA players Marco Belinelli at Danilo Gallinari nagtapos sa 62-108 iskor. Sunod na nakalaban nito ang Serbia na nagwakas sa 67-126, habang hindi nakalusot sa Angola sa 81-84 iskor. Hindi rin ito pinalad sa classification match laban sa Tunisia sa 67-86 at sa huling laban nito sa Group N sa Iran, 75-95.
Maituturing na taon naman ito ng mga amateur boxers matapos magwagi ng gold medal si Petecio sa women’s under-57kgs featherweight class sa AIBA World championship. Ang 24-anyos naman na tubong Zamboanga City na si Marcial ay wagi ng silver medal sa men’s middleweight category. Si Petecio ang ikalawang babaeng nagwagi ng world championship para sa bansa matapos makuha ito ni Josie Gabuco noong 2012 Qinhuangdao sa China sa women’s light-flyweight division.
Wagi rin ang mga amateur boxers sa 2nd edition ng Belt & Road-ASEAN Boxing Championships sa Nanning City sa Guangxi, China noong Oktubre, gayundin sa ASBC Asian Grand Slam Boxing Championships sa Xiamen, China nito lang Disyembre.
Ngunit, ang malaking nakamit ng mga amateur boxers ay ang pagdomina sa 30th SEA Games event na sumuntok ang mga ito ng 7 gold medals mula kina Gabuco, Petecio, Marcial, Carlo Paalam, Rogen Ladon, Charly Suarez, at James Palicte.
Sumibol din ng husto ang pag-angat ng mga laro sa Electronic-Sports gaya ng Mobile Legends: Bang-Bang, Dota 2, Tekken at Starcraft na napagwagian ng Pilipinas sa biennial meet.
Mas lalong naging matunog ang mga computer at mobile generated games na ito na matinding sinusuportahan ng mga Telecommunications Company ng bansa gayundin ang pagkakaroon na ng athletics license nito na nagsimula noong 2017. Ang mga manlalarong nahihilig sa mga gaming o video games ay kasalukuyan ng pinananabikan ng mga nakararaming kabataan na umaabot pa sa malalakihang papremyo sa pandaigdigan o maging sa lokal na kompetisyon. Tiyak na mas lalawak pa at titibay ang E-Sports sa bansa lalo na sa pagsama nito sa SEA Games.
Sino ba ang makakalimot sa Cinderella story ng Letran Knights sa NCAA at magnificent sweep ng Ateneo De Manila sa UAAP pagdating sa College Hoops. Tila naulit na naman ang nakaraan para sa San Beda Red Lions nang muli silang silatin ng Knights para sa titulo. Kahit pa man tangan ng Red Lions ang impresibong 18-0 record sa eli mination ay hindi natinag ang Intramuros-based team para kunin ang 81-79 na panalo.
Wala namang nakapigil sa mga Agila ng Katipunan maging ang Tigre ng España ay hindi nila pinatawad para kunin ang three-peat nito at pag-ukit sa kasaysayan ng 16-0 season sweep. Nagsanib-puwersa sina Thirdy Ravena at Angelo Kouame para katayin ang UST Growling Tigers.





Comments