top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Lolo, natagpuang patay sa bahay

Pabs Hernandez III
Jan 2, 2020
1 min read

Ilocos Norte — Natagpuang patay ang 65-anyos na lolo sa loob ng kanyang bahay kamakalawa sa Bgy. 3 Loing, Piddig.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Wilson Lim, residente sa nasabing barangay.

Ayon sa ulat, nagtaka ang mga kapitbahay ni Lim kung bakit hindi ito lumalabas ng kanyang bahay at dahil dito ay puwersahan nilang binuksan ang pinto at tumambad ang bangkay ng biktima na nakahiga sa kama.

Kaagad iniulat sa pulisya ng mga residente ang pagkakatagpo nila sa bangkay ng biktima.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad ay walang naganap na foul play at maaari umanong inatake ng sakit si Lim.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page