top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Babala ng experts... Pills, nakaka-pagpaliit ng utak

  • Jersey Sanchez
  • Jan 2, 2020
  • 2 min read

Sa panahon ngayon, marami nang tumatangkilik ng contraceptives dahil parte ito ng family planning kung saan ilan na rito ang condom, birth implant at pills.

Bagama’t, kailangan ng payo ng mga eksperto sa paggamit ng mga ito, may ilang indibidwal na gumagamit nito, partikular ang oral contraceptives o pills, dahil madali itong bilhin.

Pero, alam ba ninyo na ang pag-inom ng pills ay nakakapagpaliit ng isang parte ng utak? Weh, ‘di nga?

Ang birth control pills ay naging dahilan kaya nag-iba ang pananaw ng mga tao sa sex, gayundin, naging konektado sa “women’s sexual liberation” noong 1960s dahil sa kalayaan na ibinibigay nito sa mga tao na makipagtalik nang hindi kinatatakutan ang pagbubuntis.

Ngunit, ang pangmatagalang epekto ng oral contraceptive pills ay hindi gaanong nauunawaan ng karamihan.

Sa bagong scientific findings, nakita ng mga researcher na ang pills ay nagiging dahilan sa pagliit ng parte ng utak na hypothalamus.

Ang naturang pag-aaral ay isinagawa sa 50 malulusog na babae kung saan 21 sa mga ito ay nagte-take ng oral contraceptives (OCPs).

Pagkatapos pagkumparahin ang brain scans ng mga kalahok, nakita na ang mga umiinom ng birth control pills ay may mas maliit na hypothalamus kumpara sa mga hindi umiinom nito.

Ang hypothalamus ang nagkokontrol sa mahahalagang function ng katawan tulad ng hormone production, mood, appetite, sex drive heart rate at sleep cycle.

Samantala, nilinaw ni Dr. Michael Lipton, professor of radiology sa Griss Magnetic Albert Einstein College of Medicine na nangangailangan pa ng mas malalim na pag-aaral sa resulta kaya hindi dapat baguhin ng kababaihan ang kanilang contraceptive regimens.

Gayunman, sinabi ni Nicole Prause, sex researcher at founder of Liberos LLC, independent research institute, hindi pa dapat mabahala ang mga gumagamit ng birth control pills dahil ang pagbabago ng size ng hypothalamus ay hindi gaanong masama at hindi nakaaapekto sa function ng katawan.

Oh, mga sis, bago kayo gumamit ng contraceptives, make sure na in-advise ito ng inyong pinagkakatiwalaang doktor dahil hindi ito parang damit na ‘one size fits all’ at iba’t iba ang reaksiyon ng katawan natin sa mga bagay na ini-intake natin.

Gets mo?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page