top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Alagad ng batas, pasaway na, promotor pa sa pagpapaputok ng baril

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 31, 2019
1 min read

Dalawang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon, 18 katao ang inaresto kaugnay ng pagpapaputok ng baril.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), sa kanilang pinakahuling tala, nasa 18 na ang nahuli mula sa Regions 1, 2, 4-A, 5, 6, 8, 9, 10, 11, 13, Bangsamoro Autonomous Region at NCR. Tatlo sa NCR habang tig-2 naman sa Regions 4-A, 5, 10, 11, 12 at BARMM.

Mula sa nasabing bilang, dalawa rito ang sundalo mula sa BARMM, dalawang security guards mula sa Region 11 at isang pulis mula sa Region 13. Pulis, sundalo at sekyu na inaasahan nating kabilang sa mga pinakadisiplinado at alam ang batas.

Bilang resulta, nasa pito katao ang mga nasugatan, kabilang ang mga tinamaan ng ligaw na bala.

Taun-taon nang pinaaalalahanan ang lahat na huwag matigas ang ulo pagdating sa pagpapaputok lalo ng baril. Hindi natin masabi kung sino o ilang inosente ang mamamatay nang walang kalaban-laban.

Bilang karagdagang babala, muling ipinaaalala na istriktong ipatutupad ang ‘one strike policy’ lalo na sa mga police commander at chief of police. Kasong kriminal at administratibo ang kahaharapin ng mga mahuhuli.

Ganundin, sa mga sibilyan na nabigyan ng prebilehiyo na magmay-ari ng baril, maging responsable tayo.

Pakiusap naman sa publiko, sakaling may masaksihang kaso ng indiscriminate firing sa ating lugar, agad na i-report sa mga awtoridad.

Sabay-sabay nating salubungin ang Bagong Taon nang buo ang pamilya at ligtas ang bawat isa.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page