After 3 yrs., singer, niyaya na ng BF… Kz, ikakasal na!

Photo: @tjmusicmonterde
Usung-uso talaga ngayon sa showbiz ang kasalan. Nandiyan at naka-line-up na sina Angel Locsin at Niel Arce, maging sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.
Ang latest, nag-propose na rin sa magaling na singer na si KZ Tandingan ang kanyang boyfriend for 3 yrs. na si TJ Monterde.
Kumalat sa social media ang post ng kaibigan nina KZ at TJ tungkol sa naganap na marriage proposal at makikita sa larawan ang pagye-yes ni KZ sa kanyang BF kasunod ang pagpapakita ng suot na engagement ring.
Isa ang kasalang KZ-TJ sa mga aabangang showbiz weddings sa 2020.





Comments