top of page
Alex Eala at Sandro Marcos - FB.jpg

Zach Randolph, retired na

  • MC
  • Dec 30, 2019
  • 1 min read

May baguhang nagpapamalas nang husay at may mga beterano namang nais nang magpahinga at isabit na lamang ang kanilang jersey sa dingding.

Inanunsiyo na ni Memphis Grizzlies player Zach Randolph na retirado na siyang player ng NBA matapos ang 17-taon na paglalaro. Inanunsiyo ng 38-anyos na si Randolph sa kanyang Twitter account ang kaniyang pagreretiro matapos silang talunin ng Detroit Pistons. Ibinuhos naman niya ang lahat ng kanyang husay at galing sa paglalaro sa NBA. Nalagay si Randolph sa 19th overall pick ng Portland Trail Blazers noong 2001 NBA Draft.

Tinuldukan na niya ang kanyang career na may 18,578 points at 10,208 rebounds. Dalawang ulit pang nailagay ang pangalan niya sa All-Star at nahirang bilang NBA Most Improved Player noong 2003-2004.

Makaraang maglaro sa Portland ay lumipat siya sa New York Knicks, Los Angeles Clippers, Memphis Grizzles at Kings. Noong 2017 unang inanunsiyo ng Grizzles na kanila nang pagpapahingahin ang jersey ni Randolph.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page