Nasobrahan... Bela, bumigay ang katawan bago mag-New Year
- Nitz Miralles
- Dec 30, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Ang isusulat na script pa rin ang nasa isip ni Bela Padilla habang nakahiga siya sa bed dahil nagkasakit siya due to toxic schedule.
Tweet ni Bela: “After working insanely hard for three months including trips to 6 countries in two months, my body finally gave in after my last job of the decade last night. Super sick but still wishing you all the happiest holidays! Thank you for loving Miracle in Cell. No 7.”
Sa Valentine’s Day, pelikula pa rin nina Bela at JC Santos ang ipi-present ng Viva Films at marami pang naka-line-up na movies ang aktres.
Samantala, patuloy na pinipilahan ang Miracle in Cell No. 7 at dumarami pa ang nanonood dahil sa word of mouth publicity. Nakaka-curious sa iba ang tsikang lahat ng lumalabas ng sinehan ay namumugto at namumula ang mga mata. Gusto rin nilang maranasan ‘yun, kaya go na, watch Miracle in Cell No. 7 na co-producer si Aga Muhlach ng Viva Films.





Comments