Dahilan kung bakit dapat sumayaw ng chacha at kumain ng matatamis ‘pag bagong taon
- Sr. Socrates Magnus II
- Dec 30, 2019
- 2 min read
Bigyang-daan natin ang mahahalagang kaalaman tungkol sa selebrasyon ng Bagong Taon.
Bagong Taon, bagong buhay. Bagong buhay, bagong pag-asa. Ito ang nasa isip ng lahat ng tao, pero lahat ay magkakaroon ng bagong buhay at ang marami ay makikitang patuloy na nawawalan ng pag-asa sa buhay.
Para makamit ang mithiing magkaroon ng bagong buhay at bagong pag-asa, narito ang ilang nakaugaliang tradisyon ng mga Pinoy tuwing New Year.
Magsuot ng bagong damit at sa mismong pagpatak ng alas-12:00 ng hatinggabi, dapat ay bago ang suot na damit at dapat matulog nang suot ang bagong damit at hindi niya dapat palitan sa buong maghapon ng unang araw ng taon kahit ito ay marumihan.
Dapat bagong paligo at gising ang bawat isa bago sumapit ang alas-12:00 ng hatinggabi.
Dapat may masayang musika na maririnig. Mas maganda rin na umawit ng masasayang awitin.
Ang pagsasayaw ay mahigpit ding inirerekomenda sa saliw ng tugtuging chacha o isang hakbang paatras at dalawang hakbang pasulong na ang katawan ay gumagalaw sa himig ng tugtugin. Habang ginagawa ang pagsasayaw na ito, ilalagay sa isipan na ganito ang gagawin niya sa buhay niya, isang hakbang paatras at dalawang hakbang pasulong. Sa pag-atras, dapat pag-aralan ang sitwasyon kaya sa muling pagsulong, hindi siya mabibigo, masasaktan at muling iiyak.
Dapat kumain ng matatamis na pagkain dahil ang hinog na prutas ay matatamis. Sa ganitong paraan, magiging matamis ang kanyang buong taon. Kahit may sakit na diabetes, dapat ding kumain ng matatamis dahil hindi naman ibig sabihin nito ay magpapakasawa o kakain ka ng sobrang matatamis. Simpleng malasahan lang ang tamis ay sapat na dahil ang matamis na lasa ay nangangahulugang nakumpirma ng utak na may tamis na pumasok sa bibig.
Dahil ang utak ng tao sa Bagong Taon ay nakahanda na rin sa kanyang magiging pagkilos, alam ng utak na ang anumang pagkilos sa eksaktong alas-12:00 ng hatinggabi ay maglalarawan ng magiging buhay sa susunod na taon. Kaya kapag natukoy ng utak ang matamis na lasa, rerehistro rito na ang susunod na taon ay magiging matamis ang buhay.
Sa kabuuan, hindi dapat pagharian ng lungkot ang tao sa pagsapit ng alas-12:00 ng hatinggabi dahil ang ganito ay nagbababala na ang buong taon ay magiging malungkot.
(Itutuloy)




Comments