Bellator fighter, nagretiro rin

Photo: mmafighting
Nakipag-team up ang Bellator MMA sa Rizin Fighting Federation at dinala ang laban sa Japan sa unang pagkakataon noong Sabado. Itinampok ng Saitama Super Arena sa Saitama, Japan ang Bellator 237: Fedor vs. Rampage kung saan nagsagupa sina Pride FC Heavyweight Champion Fedor Emelianenko kontra dating UFC Light Heavyweight Champion Quinton “Rampage” Jackson sa main event bout.
Kinikilala si Emelianenko na greatest heavyweight fighter at nagawang isolido ang kanyang legasiya sa Japan hawak ang Pride FC heavyweight title mula 2003 hanggang sa ang fight promotion ay binili ng UFC noong 2007. Sumikat si Jackson sa Japan noong kaagahan ng 2000’s. Siya ang 2003 Pride Middleweight Grand Prix runner-up bago naging UFC champion noong 2007.
Kamakailan, si Emelianenko ay sumagupa ng 13 beses sa Saitama Super Arena at naging undefeated sa venue. Hindi naman naging kakaiba ang laban noong Sabado. Kumasa ang Russian kay Jackson, na siyang pinakamabigat sa kanyang nakasagupa sa kanyang career.
Nagpadapo ang “The Last Emperor” ng mga kombinasyon at leg kicks habang sablay naman ang mga counter punches ni Jackson. Sa kalagitnaan ng round, nagpakawala si Emelianenko ng right punch na nagpatupi kay Jackson at tapusin ang laban.





Comments