2 months pa lang, komedyana, super in love… Kiray, proud na proud sa guwapong BF

Photo: @kiraycelis
Very much in love ngayon si Kiray Celis sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Stephan Estopia na matatandaang una niyang ipinakilala sa publiko sa pamamagitan ng kanyang Instagram post two weeks ago. Base na rin sa kanyang post, bago lang ang kanilang relasyon at tila two months pa lang.
In her latest post ay ipinahayag ni Kiray kung gaano siya kasaya ngayon sa piling ng bagong pag-ibig.
“Simula ng (sic: nang) makilala ka, nagbago ang pananaw at saya.
“Pwede palang matulog na panatag at hindi mabigat ang puso. Pwede palang gumising na alam mong hindi ka niloloko at alam mong sa ‘yo lang ‘yung taong mahal mo.
“Dahil alam mo sa sarili mo kung paano ka magmahal.
“Na ‘yung nabibigay mo, naibabalik rin sa ‘yo ng (sic: nang) walang effort at may kusa kasi deserve mo.
“Ganito pala magmahal. Ang sarap magmahal ng tamang tao. Proud sa ‘yo. Mahal ng pamilya mo. Taong marespeto at gagawin ang lahat mapasaya ka lang ng (sic: nang) todo.
“Madalas kaya dumarating at umaalis ‘yung mga taong hindi para sa ‘tin para matuto tayo. Para ‘pag dumating ‘yung tama, mas malakas na tayo. Para mas matapang na tayo.
“Kaya ‘wag kang titigil magmahal. Maloloka ka, masasaktan, madadapa pero darating ‘yung taong aakayin ka paakyat, ipaparamdam sa ‘yo ‘yung worth mo. At unang iiyak ‘pag may narinig na hindi maganda tungkol sa ‘yo. At ipaglalaban at ipagtatanggol ka sa kahit na sino.
“Tomboy, bakla, babae man o lalaki, deserve natin mahalin ng (sic: nang) totoo. Deserve natin mahalin ng tayo lang. Deserve natin irespeto. Deserve natin sumaya. DESERVE NATIN NG KAGAYA NILA,” ang mahabang caption ni Kiray sa larawan nila ng dyowa.
In fairness, guwapo ang guy at hindi kami magtataka kung maging artista na rin ito isang araw.






Comments