top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Training abroad, nakatulong sa SEAG medalist wrestlers

Gerard Arce
Dec 29, 2019
2 min read

Tinapos ng National wrestlers ang matagal na pagkakagutom sa gold medal sa muling pagbabalik ng kanilang sports sa nagdaang 30th Southeast Asian Games sa Angeles University Foundation sa Pampanga.

Matapos ang dalawang edisyon na pagkakabakante dahil sa walang maipasok na manlalaro ang mga host countries, nagbitbit ng tatlong gintong medalya ang mga matitikas na kalalakihan at kababaihan ng national wrestling team.

Hindi man naabot ng koponan ang inaasam na 5-6 gold medals ay maligaya pa rin ang mga ito dahil maaari na nilang katawanin muli ang bansa sa biennial meet.“Happy pa rin naman,” sambit ni national team Head coach Cristina Vergara sa panayam ng BULGAR. “Pero at least umabot tayo du’n sa battle for golds kaso nga lang medyo kinapos ng bahagya,” dagdag nito. Matatandaang bumuhat ng gold medal sina Noel Norada at Jason Baucas sa men’s under -63kgs at under-72kgs Greco-Roman matapos walisin ng mga ito ang mga ka-grupo nila sa kani-kanilang kategorya. Nilampasan ni Norada ang mahirap na katunggaling si Cong Thanh Nguyen ng Vietnam via 14-7, sa unang laro nito na sunod na dinispatsa ang mga kalaban mula sa Laos, Thailand at Cambodia para manindigan sa gold medal. Nakuha ni Cambodian Phanit Eng ang tansong medalya.

Hinigitan ni Baucas si Hong Phuc Duong ng Vietnam, 11-6 para sa gold medal sa under-72kgs, habang napasakamay ni Sengsavanh Phachanxay ng Laos ang bronze medal. “Pay-off lahat ng hirap ng athletes natin. We’re very happy na muling nasilayan at napanood ng ating mga kababayan itong wrestling,” pahayag ni Vergara. Nagwagi rin ng silver medals ang iba pang Pinoy wrestlers na sina Michael Cater under-55kgs division; Margarito Angana Jr. sa under-60kgs na lumuhod kay Tien Hau Bui via 8-3; Jason Balabal na nabigo kay Dinh Hiue Nghiem, 2-5 at si Jiah Pingot sa women’s -50kgs event.

Sa men’s freestyle under 65kgs men si Jhonny Morte, silver medalist laban kay Nguyen Xuan Dinh ng Vietnam, gayundin si Ronil Tubod sa men’s freestyle under-6kgs division. Pareho rin ng kinasadlkan si Minalyn Foy-Os sa women’s under-55kgs category. “Talagang matindi iyong ginawa nilang paghahanda, siguro mas lalo pa naming pag-iigihan ang ensayo at preparation. Mas maganda siguro kung mas mahaba iyong aming training sa abroad at marami pang international exposures,” wika ni Vergara.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page