Kaya tinanggal agad sa mga sinehan…. Juday, tanggap na nilangaw ang MMFF movie
- Melba Llanera
- Dec 29, 2019
- 2 min read

"Given na ‘yun, ‘di na siya bago, ‘di naman ngayon lang nangyari. Ganu’n talaga ang kalakaran sa industriya lalo na sa mga may-ari ng mga sinehan. Of course, du’n talaga sila papanig, basically kung saan sila mas kikita. It’s totally understandable, ganu’n talaga. Sanay na ako diyan.
“Iba kasi ang kalakaran kapag negosyante ka, so, we have to understand that. We can only say our opinion but we cannot impose kung ano ang dapat na mangyari. Kasi tayo, nagtatrabaho tayo pare-pareho. Intindihin na lang natin kung ano talaga ang ginagawa nila para sa trabaho nila, para sa negosyo nila,” ang makabuluhan at nakakaunawang pahayag ni Judy Ann Santos nang hingan namin ng reaksiyon sa pagkaka-pull-out sa sinehan ng pinagbibidahan niyang pelikulang Mindanao.
Ngayong humakot ng awards ang Mindanao mula sa Best Actress, Best Actor, Best Director, Best Picture at iba pang special awards, inaasahan na mabubuhay ang interes ng mga manonood at susuportahan ang nasabing pelikula.
Hindi maitago ni Juday ang sobra-sobrang kaligayahan kung saan emosyonal ito at maluha-luha sa kanyang acceptance speech at kahit sa panayam namin sa kanya, ayon sa Kapamilya actress ay naging napakamabiyaya ng taong 2019 para sa kanya.
Bukod sa dalawang Best Actress trophies na natanggap ni Juday para sa Mindanao (una, sa Cairo International Film Festival at dito nga sa MMFF), consistent din ang high ratings ng Starla kung saan sa kabila ng mainit na pagtanggap dito ng mga manonood ay malapit na rin itong magpaalam sa ere.
Proud na proud naman si Ryan Agoncillo sa mga achievements ng asawa at simple ang naging sagot sa amin ng male TV host nang tanungin namin kung ano ba ang sikreto para sa isang masaya at kuntentong buhay.
“Happy wife, happy life,” ito ang sagot na ibinahagi sa amin ni Ryan na tiyak na sasang-ayunan ng mga mister na masaya sa buhay-pamilya nila.





Comments