top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Brownlee, babawi matapos silatin ng Bolts sa 3-Peat

ATD / MC
Dec 29, 2019
2 min read

Asahan ang pagbabaga ng mga mata ni Justin Brownlee sa kanyang nakatakdang pagsalang sa Barangay Ginebra kontra Meralco Bolts para sa ikatlong beses nilang paghaharap sa PBA Governor’s Cup finals showdown.

Aminado ang high-scoring import na dismayado siya matapos na mabigo ang Kings na umabanse sa championship round ng nakaraang season nang talunin sila sa semifinals nina Romeo Travis ng Magnolia Hotshots.

Doon nagsimulang matapos ang kampanya ng koponan at mabigo sa season-ending conference sa ikatlong pagkakataon. Ngayong taon, ang 31-anyos na si Brownlee ay walang ibang nasa isip at pakay kundi ang makabawi. “Super motivated,” aniya sa PBA. ph nang makasampa ang Kings sa ikatlong Governor’s Cup finals sa huling apat na season. “Wish we had that three-peat last year but unfortunately we came up short. It feels good to be in the finals, but we know that at this point we’re not satisfied. And we want to feel that greatest feeling.”

Target ng Kings na talunin ang Bolts para sa ikatlong pagkakataon makaraang talunin sila nito sa sa isang back-to-back game noong 2016 at 2017 finals.

Malaki ang respeto ni Brownlee sa Meralco at hindi nila minamaliit ang husay din ng Bolts nang pagwagian ang unang franchise title. “We’ve met them in the finals twice already so we know that if we play them, they’re going to be great as well,” ayon sa soft spoken na dating Best Import.

Ang mahabang holiday break mula nang matapos ang 30th SEA Games ang pagkakataon nila para makapagpraktis. “It’s a kind of tricky because you don’t want to get out of shape too much and you want to stay focus and locked in it’s the finals,” puntos ni Brownlee. Maghaharap ang dalawang koponan sa finals sa Enero 7, 2020.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page