Sa Saradong Lungsod ni Arthur David San Juan

Ang aklat ay kalipunan ng mga tarangkahan tungo sa siyudad ng arkitekturang kuwento.
Ang mga kamay wari’y dayuhang namanhikan sa mga gusaling tumubo sa pabalát ng libro: pamagat
na ipinakilala ang pagpupuyos ng mga salita sa talâ ng mga talata.
Bagaman, espasyong tinipon sa alabok ang palagay ng tuldok, tandang pananong, at giit ng kuwit sa panandaliang
paghinto, ang mga pagitang nabuo sa bawat ipinilang taludtod ay hiningang nagbigay-siwang sa mga palad sa saradong lungsod.
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments