Philracom-RBHS sa Christmas Race Fest
- Ding Taboy
- Dec 28, 2019
- 2 min read

Hahataw ang Philracom-Rating Based Handicapping System Race sa 2019 Philracom Christmas Racing Festival sa Santa Ana Park, Naic, Cavite ngayong araw. Magaganap ang Super Six, carry over na P27,703.03 kasabay ng Winner Take All (WTA) Pick 6, Pick 5 at Pick 4. Sa Race 1 magsisimula ang Pick 6 at maglalaban ang Murika at Most Trusted habang pagpipiliang isama sa trifecta at quartet ang Hookbung Dagat at Erik the Viking.
Sa Race 2 magsisimula ang WTA at magaganap ang carryover sa Super 6 na paglalabanan ng 10 mananakbo at napipisil ang couple entry na Grand Villa at Prince Popeye, Shalom, Bottoms Up, Rocking Hill, Fusion Drive at TenTen Forty.
Sa Race 3, ipinapatok ang Lady of Peace at magbabanta ang Warrior Heart, Expensive at Olympic Gold sa pagsisimula ng 1st Pick 5. Sa Race 4 kung saan magsisimula ang 2nd WTA at nakalalamang ang Great Year habang makakalaban ang Cool Mom.
Magsisimula ang 2nd Pick 6 sa Race 5 at paglalabanan ng couple entry na Sorority Girl at Chinito, Himpapawid ang Couple entry na Dalagang Bukid at Charger at Gee’s Delight.
Sa Race 6 nakalalamang ang couple entry na Spunk Attack at Rhaegal makakalaban ang Tool of Choice at Sky Dancer na umpisa ng 2nd Pick 5.
Ipinapatok sa Race 7 ang tagpuan habang maglalaban sa forecast ang Tidel Wave, La Corona at Run Em Down simula ng Pick 4.
Sa Race 8 nakalalamang ang Dimakya Island habang makakalaban ng mahigpit ang Believable at couple entry na Yona at Just Got Lucky. Sa Race 9, ipinapatok ang Sunshot habang ang Chocolate Thunder ang makakalaban at Race 10 magkakalaban ang mga kalahok na Rockstar Show habang ang Coup D’ Etat ang manlalaban.





Comments