top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

'Di pa rin maitaob ni Aga sa pagiging No. 1… Vice, ipinagsigawang naka-P100 Million na ang movie

Janice DS Navida
Dec 28, 2019
3 min read

Fourth day na ngayon ng ginaganap na taunang Metro Manila Film Festival na nagsimula nu’ng mismong araw ng Pasko, Dec. 25.

Hindi man naging kasing-successful last year ang first day ng MMFF ngayong taon dahil bumagyo at mas kakaunti ang nanood, nu’ng second day hanggang ngayong weekend ay dagsa na ang mga manonood sa mga sinehan.

At for sure, after ng ginanap kagabing Gabi ng Parangal ng MMFF, mas lalakas pa ngayong Sabado at Linggo ang pasok ng mga manonood sa mga sinehan lalo’t marami ang tiyak na naku-curious sa mga tinanghal na winners.

So far, wala pang inilalabas na official box office gross at ranking ang pamunuan ng MMFF, pero according to some sources, nangunguna pa rin ang movie ni Vice Ganda na The Mall, The Merrier na siyempre pa, all ages ang target viewers.

Pasimple namang nag-announce si Vice sa It’s Showtime kahapon (Dec. 27) na naka-P100 million na ang kinita ng movie niya simula nang magbukas ito nu’ng Dec. 25.

Sabi ni Vice, “100 million thank yous,” sabay anyaya sa mga hindi pa nanonood ng movie.

No. 2 naman ang Miracle in Cell No. 7 ni Aga Muhlach since nagbukas ito nu’ng Dec. 25. Kahapon, heard na may mga nadagdag pang sinehan dahil word of mouth na maganda talaga at nakakaiyak-nakakatawa ang pelikula kaya ang daming gustong manood, lalo na’t hot topic din ito sa socmed.

May ilan namang nanghinayang para kay Nadine Lustre sa pagtanggi niya sa role sa Miracle na napunta kay Bela Padilla. Eh, di sana raw, kasama siyang nagse-celebrate ngayon ng cast kahit pa sabihing hindi naman siya ang bida sa movie.

Dahil nakasingit nga ang movie ni Aga, hindi nagkatotoo ang sinabi ni Vice Ganda sa presscon na first runner-up niya sa MMFF si Coco Martin na bida sa 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon kasama sina Jennylyn Mercado at Ai Ai delas Alas. Pang-apat naman ang action-comedy movie nina Bossing Vic Sotto at Maine Mendoza titled Mission Unstapabol: The Don Identity.

In fairness to Maine, ang sipag-sipag niyang mag-promote ng movie at nag-ikot talaga siya sa mga sinehan nu’ng Pasko para mang-engganyo na panoorin ang Mission Unstapabol. Tama naman na ito ang naging priority niya kesa sumama sa bakasyon ng pamilya ng BF na si Arjo Atayde abroad.

Kasi kung nagkataon, tiyak na makakahanap na naman ng butas ang mga bashers ni Maine at siya ang sisisihin kung bakit hindi nag-Top 2 man lang ang entry nila ni Bossing Vic.

For sure, sasabihin ng mga bashers na inuna kasi ni Maine ang love life kesa sa movie kaya naitaob sila ng ibang entries sa MMFF. O, ‘di ba, linyahan ng mga bashers? Char!

Pumang-lima sa ranking ang horror movie ni Carmina Villaroel na Sunod at nataasan pa nito ang entry nina Judy Ann Santos at Allen Dizon na Mindanao.

Well, sa mga nagsasabing humina na ang karisma ni Juday at hindi na epektib ang kanyang pagiging Drama Queen at nawala na rin ang kanyang mga loyal fans, konting esep-esep lang po. Hindi kasalanan ng kasikatan ni Juday kung nag-No. 6 lang ang movie niya. Filmfest season po ngayon kung saan majority ng moviegoers ay mga bagets at millennial.

From the start, expected naman na rin siguro kahit ng mga producers ng Mindanao na hindi sila magta-top grosser or kahit sa Top 3 ranking dahil seryoso ang tema ng pelikula ni Juday at hindi pambata.

Pangalawa sa huli ang Culion movie nina Iza Calzado, Meryll Soriano, Joem Bascon at Jasmine Curtis-Smith. Again, ‘wag sanang sabihin ng ibang netizens na walang naitulong sa movie ang cameo appearance ni John Lloyd Cruz kaya pang-7 lang ang Culion. Extra lang po ru’n si Lloydie, so hindi siya ang selling point ng film.

De-kalidad man ang pagkakagawa ng Culion, again, limited ang market nito kaya hindi maaasahang poposisyon sa top spot.

Pang-walo ang Write About Love nina Miles Ocampo, Rocco Nacino, Yeng Constantino at Joem Bascon mula sa TBA Studios. Understandable naman ito dahil malalaking pangalan nga ang binangga nina Miles at Yeng na parehong first time na nagbida sa isang pelikula.

Okay lang ‘yan, at least, nakasali sila sa MMFF. Pero sana lang, ‘wag nga munang ma-pull-out agad ang movie at maipalabas pa rin sa ilang sinehan.

Kaso nga, dahil negosyo ang pelikula, hindi rin natin masisisi ang mga may-ari ng mga sinehan kung i-pull-out man ang mga entries na hindi pinapasok ng manonood. Laking lugi nga naman nila at baka kulang pa sa pambayad ng kuryente ang kikitain nila mula sa wala pa sa sampung manonood ng movie.

Ito ang matagal nang problema ng MMFF organizers na hanggang ngayon, hindi pa rin masolusyunan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page