top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

'Di orig… Istayl ni Coco sa action, xerox copy nina FPJ, Lito Lapid at Robin

Erlinda Rapadas
Dec 28, 2019
2 min read

Ilang showbiz insiders ang nagtatanong kung naibigay kaya ni Coco Martin sa yumaong veteran actor-director na si Eddie Garcia ang ipinangako niya ritong kotse.

Noong nabubuhay pa kasi si Manoy Eddie at lumalabas pa sa seryeng Ang Probinsyano, napalapit ang loob ni Coco sa beteranong aktor kaya nangako na reregaluhan ito ng isang brand new car.

Ganu’n din daw ang promise niya sa magaling na aktor na si Joel Torre, kaya naungkat ang istoryang ito kung tinupad kaya ni Coco ang kanyang pangako.

Kaya naman ng isang Coco Martin na magregalo ng kotse sa mga taong pinangakuan niya. At this point of his career, milyones ang kinikita niya sa mga product endorsements. Can afford din siyang mag-produce ng sariling movie tulad na lang ng kanyang entry sa MMFF 2019, ang 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon, kung saan siya pa ang bida, writer at direktor.

Napag-aralan na nang husto ni Coco ang pasikut-sikot sa pagpo-produce ng pelikula, kaya malakas ang loob niyang sundan ang yapak ni Fernando Poe, Jr. at ni Lito Lapid bilang mga movie producers.

Si Sen. Lito ang fighting director ng 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon kaya mabibilis at hasang-hasa ang mga stuntmen na kinuha nila. At sa mga fight scenes ni Coco (bilang si Pol) ay makikita ang mga style ng galawan ni Lito sa kanyang mga ginawang pelikula noon.

Naalala rin namin ang yumaong si FPJ sa paraan ng pakikipagbakbakan ni Coco. May pagkakapareho rin siya sa original bad boy ng Philippine showbiz na si Robin Padilla.

Maganda ang chemistry ng tambalang Coco at Jennylyn Mercado. Parang sina FPJ at Sharon Cuneta o kaya sina Robin Padilla at Regine Velasquez ang dating ng panliligaw ni Coco sa leading lady niya sa 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon.

May request naman ang mga tagahanga nina Sen. Lito at Coco na sana ay magsama silang dalawa sa isang action-drama movie. Nasa kainitan ng career si Coco ngayon at ito ang tamang panahon upang gumawa sila ng pelikula.

Nangyayari na ang ganitong pagsasama ng mga malalaking action stars noong panahon pa ni FPJ, kung saan naka-back-to-back niya sa Kalibre .45 ang tinaguriang Leon Guerrero na si Sen. Lito. Blockbuster hit ang nasabing pelikula dahil ang mga bida ay ang King of Philippine Movies at si Lito na sumikat sa kanyang mga daring stunts sa pelikula.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page