Ayaw paawat kahit delikado… Alden, ayaw kumain, adik sa bagong 'bisyo'
- Nitz Miralles
- Dec 28, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / Bida

Hindi kami sure kung sa taping ng The Gift dinala kay Alden Richards ang motorsiklo na sabi ng kapwa namin columnist na si Erlinda Rapadas ay Christmas gift kay Alden ng isang kumpanya o distributor ng motorcycle na matagal na pala nitong gustong bilhin.
In between takes ng The Gift (bago ang Christmas break), tinest drive ni Alden ang motorsiklo pero sa taping area lang, hindi siya lumayo.
Gayunpaman, natakot pa rin ang mga supporters ng aktor na baka madisgrasya ito. Mas gusto pa rin nila na kotse o SUV na lang ang imaneho ni Alden.
Kaya lang, may magagawa ba sila, eh, sa napanood naming video, nag-enjoy si Alden at nang tanungin kung nag-enjoy siya, “Sobra” ang sagot niya. Hindi na nga ito kumain, nagmotorsiklo na lang. Kaya alam na kung ano ang pagkakaabalahan ng aktor kapag wala siyang taping ng The Gift at ibang commitment.
Sana lang, maging careful siya at sundin ang payo ng mga fans na palaging magsuot ng helmet kahit malapit lang ang pupuntahan. Bukod sa iwas-sita at matiketan, makakatulong ang helmet ‘pag may nangyaring aksidente.
Speaking of Alden, kung tama ang balita, kahapon pa siya o sila ng kanyang pamilya nakabalik mula sa Christmas vacation sa South Korea. Kailangang bumalik ni Alden bago mag-December 31 dahil host siya ng New Year Countdown ng GMA Network.
Yearly niya itong ginagawa dahil bukod sa nag-i-enjoy, gusto niyang salubungin ang 2020 na nagtatrabaho.
Comentários