top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg

Super 6, carry over pukpukan sa SLLP

  • Ding Taboy
  • Dec 27, 2019
  • 1 min read

RENDA at LATIGO

Pukpukan ang magiging labanan ngayon gabi sa bibitawan na walong karera sa San Lazaro Leisure Park (SLLP), Carmona, Cavite.

Kasabay nito magaganap ang Super Six carry over na P16,140.15 sa 2019 Philracom Christmas Racing Festival ng Addional One Win in Group Races.

Magaganap din ang double Winner Take All (WTA) sa Race 1 at Race 2, bukod pa sa Pick 6, Pick 5 at Pick 4. Sa Race 1 umpisa ng 1st WTA maglalaban ang The Patriot, Double Rock, Isa Pa Isa Pa at Quick Little Miss.

Sa Race 2 nakalalamang ang Hiroshima laban sa King Dom at Huckleberry. Sa Race 3 ng condition race 16 magaganap ang labanan ng mga kalahok na King Gil, couple entry na Lady Pio at Yes Kitty, umpisa ng 2nd WTA.

Magaganap ang Race 4, ang simula ng Pick 6 at pinapaboran ang Lucky Saver kontra sa She’s my Princess. Umpisa ng Race 5, magaganap ang Pick 5 at nakamasid ang Bayang Karerista sa tatlong mananakbo na couple entry na Be Humble at More or Less, Breaking News at Since When.

Ipinapatok ang Great Style habang forecast ang Thunder Maxx, Blind Item at Magnifico sa simula ng Pick 4. Nakalalamang ang Baling Rikit at magsisilbi ang Fantastic Max sa Race 7 at paglalabanan ng Victorious Run, Speeding Hero at West Pointer ang unahan sa Race 8.

Nakalalamang ang Sky Hook laban sa My Dad Bogart habang mananatiling banta ang Refused to Lose sa Race 9.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page