PHL SuperLiga sa 2020 higit na palalakasin

Ibabalik ng Philippine Superliga (PSL) ang Super Cup kasunod ng matagumpay nilang pagdaraos nito ngayong taon.
Sinabi ni League chair Philip Ella Juico noong nakaraang Linggo na ang Super Cup ang magsisilbing magpapaangat sa antas ng laro ng local players at ibalik ito bago matapos ang liga sa Disyembre ng susunod na taon.
Ayon sa league calendar, ang taunang PSL Fans Day ay idaraos sa unang linggo ng Pebrero kasunod ng import-flavored Grand Prix na gaganapin hanggang Hunyo. Pagkaraan nito, ang PSL Beach Volleyball Challenge Cup ay idaraos naman sa huling bahagi ng Hunyo kasunod ng unang PSL All-Star Weekend.
Ang All-Filipino Conference ay nakatakda sa Hulyo-Oktubre bago ang season ending Super Cup sa unang linggo ng Disyembre.
Idinagdag pa ni Juico na lumalaki ang liga at tumatatag dahil na rin sa exposure sa mga international players ng star players na sina Aby Maraño, Rachel Anne Daquis, Mika Reyes, Jovelyn Gonzaga, Jaja Santiago at Dindin Manabat. Kaya naman pakay ng Super Cup na hasain ang kanilang mga galing.
“Based on our proposed format of the Super Cup, the top three teams will face a guest team in a Grand Prix-style tournament,” ayon kay Juico, dating Philippine Sports Commission chair na pinamunuan ang Philippine Amateur Track and Field Association.





Comments