Move-on ang motto ng KaTropa nang mabigo
- MC
- Dec 27, 2019
- 1 min read

Masakit ang mabigo at matalo, pero para kay coach Bong Ravena, tanggap niya kung ano ang naging resulta ng laro ng KaTropa sa semifinals ng PBA Governor’s Cup at hindi nga sila pinalad na makatuntong ng finals. Idinagdag ni coach Ravena na iyong pagkatalo nila kontra Meralco Bolts sa best-of-five semis ay isa muling learning opportunity para sa KaTropa, na siyang title favorites sa season-ending meet lalo na at nasimulan nila ang kampanya sa panalo ng lahat ng una nilang pitong laban.
“May improvements naman, “aniya sa PBA.ph hinggil sa kabiguan ng team na masundan ang Commissioner’s Cup finals appearance conference sa likod ni Best Import Terrence Jones. “But it’s a learning opportunity sa amin ito. We have to learn from this and later on, madadala namin ang experience na ito,” dagdag ni Ravena. “Yung experience na we lost, it’s going to be a learning lesson for us na next time, sana ‘di na mangyari.” Pinangunahan ni KJ McDaniels ang Katropa sa kalagitnaan ng serye, 2-1 pero natalo sa huling dalawang laro para tuluyang mamaalam sa finals campaign. “At the end of the day, it’s all about defense,” aniya. “For us, we have to play defense, hindi lang puro opensa. We have to make stops, and then offense will just follow.”
Sa huling dalawang laro ng serye, hinayaan ng KaTropa ang Bolts na umalagwa sa 45.5 percent. “Our defense is really not good. Ang sama, hindi maka-stop,” ani Ravena. “We cannot make stops, we cannot make shots. sa series, kung sino ang bumigay talo. Eh, bumigay.”





Comments