Kung dati, ang gandang magregalo, ayon sa mga kaibigan… Sikat na male celeb, biglang naging makunat
- Erlinda Rapadas T.
- Dec 27, 2019
- 1 min read

BLIND ITEM:
Milyones kung kumita ang sikat na male celebrity. Marami siyang endorsements, may regular show at may pelikula rin. Ang laki-laki ng talent fee niyang natatanggap.
Pero, nang magkroon ito ng karelasyong nag-aartista na rin, bigla itong naging natmaku (read: makunat) at tapyas na tapyas na ang ipinamigay na pamasko sa mga tao sa kanyang paligid.
Kung dati-rati raw ay super-galante at bukas-palad ang male celebrity sa pagse-share ng blessings sa mga nakatrabaho at kaibigan niya, ngayon ay halos ayaw daw nitong maglabas ng pera at walang pamasko sa mga taong dati niyang binibigyan.
Kaya naman, ang sinisisi ng lahat ay ang boyfriend ng sikat na male celebrity. Bonggacious daw kasi kung gumasta at magregalo sa kanyang boylet ang male celebrity. Puro branded ang mga gamit na inireregalo niya sa BF, ganu’n din sa pamilya ng guy. Du’n siya gumagastos nang husto.
At pati na nga sa entertainment press, nagtipid na rin sa kanyang pamasko si male celebrity. Kaya ang resulta, dinededma na rin siya ng mga manunulat.





Comments