top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Kaya shocked na shocked sila ng mister… Anne, aminadong 'di pa gustong mabuntis

  • Julie Bonifacio
  • Dec 27, 2019
  • 2 min read

Speaking of Anne Curtis, maraming ini-reveal ang isa sa mga bida ng The Mall, The Merrier sa special episode ng Ma­gandang Buhay sa ABS-CBN nitong Kapaskuhan.

Ikinuwento ni Anne sa Magandang Buhay hosts na sina Jolina Magdangal, Karla Estrada at Melai Cantiveros ang reasons niya at pati na rin ng hubby niyang si Erwan Heussaff kung bakit itinago niya muna ang kanyang pagbubuntis.

“Itinago ko muna kay Erwan. Hindi ko alam kung bakit. Basta kineep ko muna sa self ko. Three days lang naman. Tapos, ‘yun na, shinare ko na sa kanya. Although, alam naman niya na medyo nadi-delay ako. Tapos, sabi lang niya sa akin, ‘Will you be going crazy if you were?’

“Sabi ko, ‘What if I am?’ Tapos sabi niya, ‘What?’

“Sabi ko, ‘Yeah, I think I’m pregnant.’ Tapos ‘yun na. We waited nu’ng next morning na, nag-test kami ulit. Tapos, positive nga siya ulit. Tapos nag-set na kami ng appointment sa OB-Gyne. Tapos ‘yun na, may heartbeat. So, ‘yun na, confirmed na confirmed,” lahad ni Anne sa Magandang Buhay.

Inamin din ni Anne na sobra silang shocked ni Erwan nu’ng ma-confirm na preggy siya.

“Well, wala pa (kasi sa plano), next year pa talaga. Next year pa talaga ‘yung plano, may plano pa akong gusto kong mag-marathon. Talagang 2020 pa. Sabi ko nga, narinig naman ni Lord ‘yung sinasabi kong 2020, 2020. Kasi, 2020 naman talaga ‘yung baby.”

Sila lang daw ni Erwan at ang doktor nila ang unang nakaalam ng kalagayan niya.

“Ah, siguro, ang sarap lang sa feeling namin na sa amin lang siya muna. It’s our secret. Parang, sa amin lang siya. ‘Yung ang sarap-sarap ng feeling na walang nakakaalam. Tapos, nagso-Showtime ako.

“Well, siguro, gusto rin naming malaman na okey pa si… okey siya, bago kami mag-announce, ‘di ba? Tapos nu’ng nag-clear naman after the first trimester na okey siya, parang naisip namin, ‘Ay, huwag muna. Sa ‘tin lang muna.’ Tapos ‘yun nga, nag-decide kami nu’ng medyo lumalaki na.”

Excited na raw siya na maging mom.

“Kasi, isa siyang journey na hindi ko pa napagdaanan. At kung naalala ninyo ‘yung last guesting ko sa Magandang Buhay, nu’ng tinanong ninyo na parang ang dami kong dreams na natupad and ano na lang ba? And now, it’s happening. Parang, this is probably the biggest dream come true for me.

“So, excited ako na tahakin ‘tong journey na ‘to. Alam kong hindi siya magiging madali at happy lang ako dahil ang daming taong nagbibigay sa akin ng advice on how to handle. Thank you, Lord, talaga. Hindi ako magko-complain na nangyari siya nang mas maaga, na wala siyang plano. Siguro, sabi nga ni Erwan, ‘It is a blessing.’ Ah, hindi siya planado pero gusto namin,” diin pa ni Anne.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page