top of page
TALKIES - MARIEL, PROUD NA TRUE FRIENDS SINA TONI, RUFFA, MARJORIE AT CAMILLE VILLAR_IG _m

Balikan ang mga tagumpay sa 2019 Philippine sports

  • MC / VA
  • Dec 27, 2019
  • 1 min read

Bago matapos ang 2019, muling babalikan ang malalaking tagumpay sa sports ngayong taon mula sa espesyal na edisyon ng The Score sa Dis. 30 at 31.

Itatampok ang Best of 2019 na mga kampeon sa UAAP, NCAA at PVL, pati mga nag-uwi ng medalya para sa Pilipinas sa ginanap na 30th Southeast Asian Games (SEAG).

Unang sasalang sa darating na Lunes (Disyembre 30) ang mga hari ng basketball na sina Fran Yu at Jerrick Balanza ng Letran Knights na nagkampeon sa NCAA at sina John Wilson at Mike Ayonayon ng San Juan Knights na hari sa MPBL Datu Cup at ang mga reyna ng women’s basketball sa Southeast Asia na sina Afril Bernardino at Janine Pontejos ng national women’s basketball team na matutunghayan sa ABS-CBN S+A.

Bahagi sina Afril at Janine sa makasaysayang taon para sa Philippine women’s basketball, kung saan napanalunan ng bansa ang mga gintong medalya sa SEAG women’s basketball at women’s 3x3.

Ibabahagi rin ng mga bayani ng SEAG sa paglipat ng diskusyon sa matagumpay na kampanya ng Pilipinas sa 2019 SEA Games. Kabilang dito sina CJ Concepcion (Fencing), Carlo Peña (Brazilian Jiu-Jitsu), Kim Kilgroe (Triathlon), Jasmine Alkhaldi (Swimming), Christiana Means (Skateboarding), at Meggie Ochoa (Brazilian Jiu-Jitsu).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page