top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Todo-request sa buntis na TV host… Panganganak ni Anne, gustong gamitin ni Vice para mapataas ang ra

  • Vinia Vivar
  • Dec 26, 2019
  • 2 min read

Last Monday ay nagpaalam na si Anne Curtis sa It’s Showtime bi­lang paghahanda sa pagdating ng kanyang first baby. Naging madam­damin ang farewell/send-off episode ng actress/TV host sa nasabing noontime show na bahagi rin ng kanyang buhay since 2009.

Sinimulan ang show sa pamamagitan ng pagkanta ng mga hosts ng maternity songs na ang pinakahuli ay si Anne mismo ang umawit. Dito pa lang ay naging emosyonal na ang pregnant actress/TV host.

Sa kanyang speech ay katakut-takot na luha rin ang bumuhos mula kay Anne ha­bang inaalala niya ang 10 taong pananatili sa programa.

“Napaka-bittersweet ng episode na ‘to, kasi siyempre, imagine mo, 10 years, eve­ryday ginagawa ko ‘to,” umiiyak na sabi ni Anne.

Pinatawa siya ni Vice Ganda na nag­bi­rong, “Hindi naman everyday, ang dami mong absent, echosera! Maka-everyday ka, ikaw ang may pinakamaraming absent dito.”

Natawa naman si Anne kahit umiiyak.

“Siyempre, 10 years tayong gumagawa ng Showtime episode. So, parang it has become a big part of my life, and you guys are like my family din, so parang it’s so bit­tersweet.

“Pero siyempre, new chapter, at kai­langan ding mag-concentrate kay baby. So, mawawala muna ako for a while, but I’ll be back,” umiiyak pa ring sabi ni Anne.

Sinabi rin niya na ang lahat ng transitions sa buhay niya ay nangyari sa It’s Showtime.

“Transitioning from single, nagka-boyfriend, nagkaasawa, tapos ngayon, as a mom, all happened in Showtime,” she said.

‘Kaaliw ‘yung request ni Vice kung pu­wede raw bang manganak si Anne sa It’s Showtime para sa ratings.

Nagkatawanan at sey ni Anne, pagba­lik niya sa show ay may bago nang diyosa since babae nga ang kanyang ipinagbu­buntis.

“Ang bagong itinakda, dadating na in a few months,” she said.

Nagbigay din ng kani-kanyang send-off messages ang mga co-hosts at dalangin nila ang safe delivery ni Anne.

Dagdag ni Vhong Navarro, ang wish niya sa baby ni Anne ay maging superstar paglaki.

When it’s Vice’s turn, aniya ay na­sak­sihan niya ang mga transitions ng magan­dang aktres at sure siyang magiging perfect ang baby nina Anne at Erwan Heus­saff dahil sa magandang genes ng mag-asawa.

“Kaya ang pinakasimple ko na lang na ipagdarasal ay ‘yung pinaka-normal at pinaka-safe na panganganak mo. I don’t want you to get hurt while giving birth,” sabi ni Vice.

Dasal niya, “Lord, sana po, protek­tahan ninyo si Anne, huwag po siyang maka­ramdam ng kahit katiting na sakit at ‘yung bata habang nanganganak ka.”

Sa ngayon ay 6 months preggy na si Anne and in two months’ time ay manga­nganak na. Sinabihan din siya ng mga co-hosts na huwag mu­nang intindihin ang show at mag-focus sa pagbu­buntis at sa baby.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page