top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Sobrang laking buwan, sign na may magic power ang nanaginip

Socrates Magnus
Dec 26, 2019
2 min read

Salaminin natin ang panaginip ni Jie Lyn ng Jie_Lyan@facebook.com.

Dear Professor, Noong December 11, habang natutulog ako ay naaaninag ko ang sobrang laki at bilugang buwan at maliwanag, gayundin, mayroong pusa na naglalakad sa ibabaw ng katawan ko habang nakatalukbong ako ng kumot. Pilit kong iniisip kung paano at saan nakadaan ‘yung pusa, eh, sarado naman ‘yung bintana sa kuwarto ko? Ano ang ibig sabihin nito? Salamat!

Naghihintay, Jie Lyn

Sa iyo Jie Lyn, Ganito ang sabi at ito ay totoo, “in every one of us, there is a witch within.” Bago ka matakot, gusto kong linawin sa iyo na hindi lahat ng witch ay masama dahil ang ibang witch ay mababait.

Sa ganitong katotohanan, sinasabi ng panaginip mo na hindi sinasadyang makagagawa ka ng himala kung saan makatutulong ka sa iyong kapwa.

Ang himala ay ang mga bagay na hindi kapani-paniwala na nangyayari dahil sa power ni God. Para sa iyo, may malapit ba sa puso mo na may sakit? Isang salita mo lang, siya ay agad na gagaling. May gusto ka bang tulungan na hindi niya kayang tulungan ang kanyang sarili na magbago? Isang biglang request mo lang sa langit, parang magic, gaganda na ang takbo ng buhay niya.

Napansin mo ba ang salitang “magic”? Ito mismo ang naririnig nating mahika at bilang dagdag na kaalaman, dalawa ang sikat na mahika.

Una, ang kinatatakutan na black magic kung saan ito ang itim na mahika mula sa mga taong maiitim ang budhi. Ang isa pang mahika ay ang divina mahika at ito ang banal na mahika at ibinabalita sa iyo ng iyong panaginip na ikaw ay napapabilang sa mga taong nabiyayaan ng mahikang ito.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page