top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Silat sa una, taekwondo jins, aasa pa sa Tokyo Olympics

Gerard Arce
Dec 26, 2019
1 min read

Mayroon pang limang pagkakataon upang makakuha ng silya patungong 2020 Tokyo Olympics ang mga pambatong National Taekwondo team.

Ito’y makaraang mabigo ang gold medalist ng 30th Southeast Asian Games na sina Kurt Barbosa at Pauline Lopez sa ginanap na 2019 World Taekwondo Grand Slam Champions Series nitong Disyembre 18-20 sa Wuxi, China. Ang gold medalist ng men’s under-58kgs category na si Barbosa ay nauna munang nagwagi kay crowd-favorite Xiongbin Quiang ng China via 2-0, bago tuluyang yumukod kay Jun-Seong Bae ng South Korea via 0-2 sa quarterfinals.

Hindi nakalusot ang 2-time SEA Games gold medalist na si Lopez kay Ah-Rheum Lee ng South Korea, 0-2 ng women’s under-57kgs category sa preliminary rounds. Nagawa namang magkampeon sa naturang dibisyon ni Lijun Zhou ng China laban kay Jade Jonse ng Great Britain, 2-1, upang makuha ng host country ang gold medal. Nasipa ni Zongshi Lou ng China ang bronze medal nang talunin si Lee, 2-1.

Maaga ring umuwi si biennial meet silver medalist Arven Alcantara nang matalo itong umusad sa men’s under-68kgs quarterfinal match. Ang susunod na qualifying match ay nakatakda sa Pebrero 22-23, 2020 sa African Qualifying tournament sa Rabat, Morocco, na susundan ng Oceania Qualifying sa Pebrero 29 sa Queensland, Australia; Pan-American Qualifying sa Marso 11-12 sa San Jose, Costa Rica, Asian Qualifying sa Wuxi, China sa Abril 10-11 at European qualifying sa Abril 24-25.

Nakatakdang magkaroon ng kabuuang 128 na taekowondo jins mula sa iba’t ibang parte ng mundo mula sa National Olympic Committee (NOCs). Bawat NOC ay binibigyan ng pagkakataon na magpartisipa ng isang manlalaro kada kategorya, na may puwedeng ientra na walong manlalaro bawat dibisyon, tig-apat sa lalaki at sa babae.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page