Philracom chairman’s Cup at 3 yo Challenge Race

Nakatakdang magharap ang walong mananakbo sa pag-alagwa ng 2019 Philracom Chairman’s Cup at pitong kalahok ng 3 Year Old Imported Local Challenge Race sa Dis. 29, 2019 sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.
Maghaharap ang mga kalahok na Boss Emong, Jayz, Obra Maestra, Patong-Patong, Real Gold, Shanghai Grey, The Accountant at Weather Lang.
Ang mga kalahok ay tatawid sa distansiyang 2000 meters na magdadala ng timbang na 54 para sa lalaki at 52 kilos ang dadalhin ng mga babaeng kalahok.
Nakalaan ang P2-M sa unang apat na makatatawid sa finish line. Ang mananalo sa karera ay tatanggap ng P1.2-M habang ang pangalawa ay may P450,000; ang 3rd place ay may P250,000 at P100,000 sa 4th place.
Nakatuon sa tatlong kalahok na Boss Emong, Real Gold at Obra Maestra ang maglalaban-laban na kapwa nanalo ng Triple Crown at Presidential Gold Cup ngayong 2019.
Maglalaban ang pitong kalahok sa 2019 Philracom 3 Year Old Imported Local Challenge Race sa karerahan. Tatawid sa distansiyang 2000 meters ang mga kalahok na Bullish Desire, Havana Oohnana, Joyous Solution, Magtotobetsky, Queenboro, Union Run at Will to Win.
Tatanggap ang mananalo ng P900,000; habang mapupunta sa 2nd places ang P337,500; tatanggap ng P187,500 sa 3rd places at P125,000 para sa 4th places.
Samantala, bibitawan ang 2019 Philracom Juvenile championship sa San Lazaro Leisure Park, Carmona, Cavite sa Disyembre 31. Ang mga kalahok ay pangungunahan ng After Party, Exponential, Lucky Savings, Make Some Noise, Our Secret, Puro Asset at Union Bell.
Naghihintay ang unang premyong P1.5-M samantalang tatanggap ang 2nd places ng P562,500, habang ang 3rd places ay P312,000 at 125,000 ang tatanggapin ng 4th places na tatawid sa distansiyang 1,600 at may P75,000 ang horse breeder ng kabayong mananalo sa juvenile championship.





Comments