Kailangang iwanan ang BF para makapagtrabaho sa U.S., litung-lito
- Roma Amor
- Dec 26, 2019
- 1 min read

Dear Roma, Ako si Mylene, Nursing graduate at isa nang registered nurse (NCLEX-RN). Pareho kami ng boyfriend ko na nurse at sabay kaming nag-take ng Nursing Board Exams. Masuwerte namang nakapasa kami at magkasama na rin sa kilalang ospital. Umabot na sa 6 years ang relasyon namin dahil first year college pa lang ay kami na. Marami kaming nabuong plano at pangarap, kaso nang mag-apply kami nang sabay sa National Council Licensure Examination (NCLEX) para maging registered nurse sa U.S. o Canada, ako lang ang nakapasa. Kailangan pang maghintay ulit ng taon para kumuha ng NCLEX. Mabigat sa akin na magkakahiwalay kami dahil magtatrabaho na ako abroad, samantalang, siya ay maiiwan dito sa Pilipinas. Pero pangarap namin ng pamilya ko na magtrabaho ako sa US. Sabi niya sa akin, okay lang, ang mahalaga raw ay matupad ko ang pangarap namin. Nagtatalo tuloy ang damdamin ko kung what would I choose, my dream or my love life? Please help me decide about this. —Mylene
Mylene, Mahirap talagang mamili kapag ang pinag-uusapan ay tungkol sa career at love. Ang maipapayo lang namin sa iyo ay mas mabuting pag-isipan mong maigi at timbangin kung ano ang mas mahalaga. Pero sa palagay ko, sundin mo muna ang pangarap mong magtrabaho sa U.S. dahil susunod din ang boyfriend mo sa iyo. At kung talagang mahal ka niya, makapaghihintay din siya ng time para makasama ka at matupad n’yo nang sabay ang mga pangarap ninyo.





Comments