Dream come true… Alden, niregaluhan ng high-end motor nung Pasko

Photo: @aldenrichards02
Kumpletung-kumpleto ang kaligayahan ni Alden Richards noong Pasko dahil nakasama niyang magbakasyon sa Korea ang kanyang buong pamilya. Nagkaroon sila ng panahong mag-bonding at maramdaman ang true spirit of Christmas.
Sa sobrang kaabalahan kasi ni Alden, halos hindi na niya naisisingit ang pagbabakasyon. Puro may kinalaman sa kanyang career ang mga tinatanggap niyang out-of-town shows. Pero sa New Year’s Countdown ng GMA Network ay tinitiyak ni Alden na nakabalik na siya sa ‘Pinas. Gustung-gusto niyang nagtatrabaho sa pagsisimula ng taon since maraming blessings ang dumarating sa kanyang buhay.
Isa sa mga regalong natanggap ni Alden ngayong Christmas ay ang high-end na motorsiklo na matagal na niyang pangarap bilhin. May nagbigay nito sa kanya na connected sa isang malaking kumpanya ng motorcycle. Posibleng i-endorse niya ang nasabing brand ng motorcycle. Kaligayahan niya na magawa ang mga hilig niyang sports na may kaugnayan dito.
Para rin sa Pambansang Bae, napi-feel niya ang normal na buhay kapag sagana sa blessings. Marunong naman siyang mag-share sa mga nangangailangan dahil may mga charity projects siyang ginagawa at tinutulungan.





Comments