'Di naman daw kawalan dahil nega… Julia, nagpaalam na babu na, aprub sa madlang pipol
Beth Gelena / Bulgary Files

Photo: @juliabarretto
Nag-post si Julia Barretto sa kanyang social media account ng “Exiting 2019” na umani ng napakaraming negatibong komento mula sa mga netizens. Anila, napaka-trying hard talaga ng dating ni Julia.
“Parang hindi naman. Not super fond of her pero parang wala naman siyang masyadong ginagawa sa video. H8r alert.”
Ang sabi naman ng iba, magmula nang maging dahilan si Julia ng hiwalayang Bea Alonzo at Gerald Anderson ay dumalang na ang kanyang proyekto.
“Lahat ng may ginawang hindi kanais-nais at uma-attitude ng ganyan, hindi na nakakabalik sa showbiz.”
“That’s your opinion but I agree with the comment. Pa-sexy mode pero waley talagang appeal, so TH.”
Ayon naman sa ibang netizens, maraming galit sa young actress pero hindi maitatangging maganda ang dalaga.
“Kahit ano’ng ganda, kung people hate her, mawawalan ng career.”
Ani pa ng netizen, okey lang mag-exit sa social media ang young actress. Wala naman daw kasing magandang napapanood sa kanyang vlog kundi karamihan ay pawang mga emote na hindi naman pinaniniwalaan ng mga viewers.
But sad to say, hindi ang social media ang binabanggit ni Julia na kanyang iiwan. Ang iiwan niya sa 2019 ay ang mga matitinding kontrobersiya na kanyang kinasangkutan.





Comments