top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Ravel, Pamasko para sa mga dehadista

Ding Taboy
Dec 24, 2019
2 min read

RENDA at LATIGO

Aalagwa ngayong araw ang karera na tatahak sa distansiyang 1,200 meters 1,400 meters ng mga piling kabayo sa 2019 Philracom Christmas Racing Festival sa Metro Manila Turf Club, Inc.(MMTCI) sa Malvar, Batangas.

Kasabay nito magaganap ang tigalawang Winner Take All (WTA) at Pick 5 at Pick 6 bukod pa sa Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six na isa sa mga paboritong tayaan ng publiko.

Sa Race 1 kung saan magsisimula ang 1st WTA, maglalaban ang kalahok na Fly Like An Eagle, Alupay Star, All for Gee, Prince Jolo, Magnitude Eight at Royal Chica. Sa Race 2, kasabay ng 1st Pick 6 aalagwa ang anim na magagaling na mananakbo at pinapaboran ang Du Pont Circle at nakakalaban ang dehadong Gentleman Jim at Beacon Street.

Sa Race 3, nakalalamang ang Play It Safe at makakalaban ang Jawo sa Group Race (11). Sa Race 4, maglalaban-laban ang mga kalahok Alezzandro,

Camorra at couple entry na Watch out Amcoming at Kalmot Pusa na simula 2nd WTA.

Sa Race 5, ipinapatok ang Share Share habang maporkas ang Mount Pulag at Piskante na umpisa ng 2nd Pick 6. Sa Race 6, kung saan magsisimula ang 2nd Pick 5 ay maglalaban sa unahan ang Fortune Island at Laughing Tiger habang may tsamba ang Ravel.

Sa Race 7, magsisimula ang Pick 4 at nakalalamang ang Hello Junior kontra sa couple entry High Ranks at Pretty Pretty Pretty. Sa Race 8, ipinapatok ang Cinco Del Drinco habang Barrio San Jose at Willing Willie ay pamorkas.

Sa Race 9, nakalalamang ang Senior Lucas habang pamorkas ang Harapin Ang Bukas at Shoo In. Sa Race 10, ipinapatok ang couple entry Harapin mo at I Feel Good, isama ang Dancing Partners, Jade Master,Batang Baclaran at Mount Dulang Dulang, Tontoneeto at Tubig at Langis sa Trifecta, Quartet, Pentafecta at Super Six.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page