top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Pati puwet, ibinuyangyang… Coco, gamit na gamit ang katawan kumita lang ang movie

  • Erlinda Rapadas
  • Dec 24, 2019
  • 1 min read

Astig at machong action star si Coco Martin, pero nagawa niyang gampanan ang role ni Paloma — isang character na dating naging bahagi ng Ang Probinsyano — sa kanyang Metro Manila Film Festival movie na 3Pol Trobol,

Huli Ka Balbon.

At hindi lang isang katauhan ni Paloma ang nagaya niya kundi tatlong Paloma pa na iba-iba ang hitsura.

Tiyak, marami ang matutuwa kapag napanood si Coco sa 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon na nakaayos-babae.

Maganda nga siya, pero dusa ang inabot ni Coco para lamang magmukhang tunay na babae, hindi lang sa pagme-makeup kundi pati sa pananamit. May eksena pa siyang naka-swimsuit kasama si Jennylyn Mercado sa pool.

Lahat ay gagawin ni Coco para magustuhan ng mga moviegoers ang pelikula

niya sa filmfest. Mabigat na kalaban sina Bossing Vic Sotto at Vice Ganda na pareho niyang nakasama noon sa mga naunang pelikula sa filmfest.

Magkakasubukan silang tatlo kung sino ang mas malakas ang hatak at karisma sa mga moviegoers.

Si Coco, may Jennylyn na, may Ai Ai delas Alas pa. Si Bossing Vic naman, joint forces ang mga fans nila ni Maine Mendoza sa pelikulang Mission Unstapabol: The Don Identity. Si Vice Ganda, may Anne Curtis at Dimples Romana rin.

Based sa mga surveys, ang tatlong pelikulang ito ang mag-aagawan sa top grosser sa MMFF 2019.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page